Pagkatapos nang agarang pagpropose ni Vice kay Karylle ay hinatid ng binatang bakla ang kanyang soon-to-be wife sa airport dahil uuwi na nga ito sa Pinas samantala si Vice ay maninirahan muna sa kanyang ina ng mga limang araw pa bago ito uuwi sa Pilipinas. Tumawag na rin siya sa direktor ng noon time show na kinabibilangan niya na uuwi na ito at sana nga ay welcome pa ito sa Showtime.
Wala namang pagaalinlangan na tinaggap siya ni Direk Bobet at gustong gusto na nga ng direktor siyang makita.
"Ingat ka love. Chat mo ako kapag nasa Pinas ka na, okay?" Habilin nito kay Karylle na magchecheck-in na dahil ilang minuto na lang ay aalis na ang eroplano na magdadala sa kanya pabalik sa Pilipinas.
"Yes love, you too always take care. Enjoy first your stay kina nanay Rosario. Video call na lang tayo kapag nasa Pinas na ako." Sagot naman ni Karylle sabay halik sa magkabilang pisngi ni Vice. "I love you." At humalik naman ito sa mga labi ng binata.
"I will miss you." Pabaklang sabi nito sa huli.
"Bakla ka talaga." Natatawang aniya kay Vice.
"Sus love mo naman."
"At tanggap ko kahit bakla ka." Segunda ni Karylle.
"Sige na, bye na love. Love you a lot." Pagpapa-alam ni Vice sabay gawad ng masuyong halik sa mga labi ng kasintahan.
At tuluyan na ngang pumasok si Karylle at siya naman ay umuwi na sa kanilang bahay na abot langit ang mga ngiti. Napansin pa ito ng kanyang ina nang siya ay nakauwi na.
"Hmmm...mukhang masaya ang tutoy ko ah?" Pag-uusisa sa kanya ni nanay Rosario.
Nagmano pa ito saka hinalikan sa pisngi ang ginang. At saka niya niyakap ang ina nang napakahigpit. Nagtataka man ang ginang ay hinayaan niya na lang si Vice sa mga ginagawa.
"Ano may nangyari ba sa inyo ni Karylle huh at ganyan ka makangiti?" Pag-uusisa ulit ng ginang sa kanya ng humiwalay ito sa yakap.
"Anong nangyari nay? Para kang sira." Nakangiting pabaklang aniya.
"Alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin 'tutoy'." Pagdidiin niya sa tawag sa baklang anak.
"Naku nay kayo ah? Usisera na rin kayo." Sagot nito sa ina.
"Ano nga? Ganyan ka na naglilihim ka na sa akin." Pagpapaka-awa epek niya sa anak.
"Kasi nay masaya ako ngayon."
"Halata nga nak."
"Nay naman eh.. ganito kasi.. nung hinatid ko si Karylle sa lola mangga niya ay sinorpresa ko siya."
"Ano namang sorpresa iyon?"
"Una yung pinapunta ko roon sila Miss Z at yung dalawang kapatid niya na babae tapos nagpropose ako kay Karylle sa harap ng pamilya niya."
"Nagpro- what??? Talaga ba nak? Nagpropose ka kay Karylle?" Masayang aniya ng ginang.
"Oho nay at 'oo' ang sagot ni Karylle nay." Masayang usal din ni Vice sa ina.
"Waaahhhhh!!" Tili ng ginang. "Saan ka kumuha ng singsing? Baka kinuha mo yung diamond ring ko sa jewelry drawer ko?" Tanong sa kanya ng ina.
"Nay yun yung binili ko noon pa. Matagal na yun nay at saka mas maganda yung diamond ring na binili ko kay Karylle kesa don sa iyo." Pagbibiro niya sa ina.
Niyakap siya ng ina. "Masaya ako sa iyo.. masaya ako sa inyo ni Karylle anak." Madamdaming usal ng ginang. "Ikaw na ang tutupad sa mga pangarap kong magkaroon ng mga apo sa mga lalaki kong anak." Dagdag nito.
"Nay naman masyado kayong excited sa apo eh di pa naman kami kinakasal." Natatawang anito.
"Eh ano pa kasing ginagawa mo rito? Di magpakasal na kayo ni Karylle." Saad naman sa kanya ng kanyang ina. "Tutal binigay na pala sayo ni Zsazsa ang blessings niya sayo para maging asawa ni Karylle." Dagdag usal nito.
YOU ARE READING
Side By Side (ViceRylle Story)(ON GOING AND VERY SLOW UPDATE)
Hayran KurguWe could be so much more than what we are. What we've been. We could be forever. We could be immortals. We could be the ones walking side by side as the world changes around us. Side by side, going through time, staying the same,never aging, seeing...