Warning: R-18
Ang mga sumusunod na mababasa ay di angkop sa mga batang may gatas pa sa labi at may kulangot pa sa ilong. Patnubay ng author ang kailangan.
Contains matured contents and effects. Rated SPG!
General POVs
Pagkatapos kumain si Vice ay nagpaalam itong magpapahinga ito sa kanyang kwarto.
Not knowing na naroon din si Karylle sa kanyang room at mahimbing na natutulog.
At dahil sa kasiyahan ni nanay Rosario na makita ang kanyang pinakamamahal na tutoy ay nakalimutan niyang sabihin sa anak na narito si Karylle sa bahay nila at siya ang nagluto ng adobo na favorite ni Vice at iyong kaldareta kung saan sarap na sarap siya sa pagkain kanina.Pinihit ni Vice ang door knob ng kanyang silid at laking gulat niya ng may babaeng mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Para siyang nakakita ng multo at di na makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam ang gagawin kung papasok ba ito ng tuluyan o isasara na lang niya ang pintuan. At ayun na naman ang kanyang puso na nag-uunahan sa pagtibok na naglalabas ng mga halo-halong emosyon tulad ng galit, masaya, malungkot, at pagmamahal. Kulang na lang ay mamilipit ang puso niya sa kaba.
Makita si Karylle na dati niyang kasintahan ay di niya pa kayang makita ito totally. How much more kapag kausapin niya ito? Baka matadyakan niya lang sa puson si Karylle pag nagalit ito dahil sa ginawa nito noon sa kanya.Before nag-sink in sa kanya ang mga nangyayari sa mga sandaling ito ay mas ninais niyang huwag munang tumuloy sa kanyang silid kaya sinara niya ang pintuan ng dahan-dahan upang di magising si Karylle.
Napaface palm pa siya bago tuluyang bumaba sa living area kung saan naroon ang kanyang ina na nanonood."Oh nak, akala ko magpapahinga ka?" Tanong ng ginang.
"Nay bakit di niyo sinabi sa akin na andito si Karylle?!" Medyo oa niyang tanong sa ina.
Napakamot pa sa ulo ang kanyang ina bago sumagot.
"Eh anak nakalimutan kong sabihin sayo kanina, nawala sa isip ko si Karylle dahil narito ka. Ikaw kasi may pasurprise-surprise ka pa kasing nalalaman." Aniya sa anak.
Umiiling-iling si Vice at makikita sa mukha niya ang pagkadismaya.
"Teka, bakit ganyan ang mukha mo? Parang di ka pa masaya na narito si Karylle ah?" Usisa ng ginang sa kanya.
"Nay naman eh.." maikling aniya kaya nagtaka ang kanyang ina.
"Sabihin mo nga sa akin tutoy, nag-away ba kayo ni Karylle huh?" Tanong ulit ng ginang na nagpagulat sa kanya.
"H-hi-ndi po nay." Mabilis ngunit nauutal niyang sagot.
"Hmmm. May problema ba kayo? Inaway mo ba si Karylle huh?"
"Of course not nay, bakit ko naman siya aawayin?" Sagot niya.
"Siya nga may kasalanan sa akin eh." Usal ng kanyang isip.
"Aber?! bakit ganyan mukha mo?" Usisa na naman sa kanya ng kanyang ina.
"Pagod lang nay." Malumanay niyang sagot.
"Pumanhik ka na sa itaas at magpahinga." Saad ng kanyang ina.
Kahit ayaw niya sana ay baka magtaka na naman ang kanyang ina kapag di siya aakyat sa taas sa kanyang silid kaya sa huli ay umakyat ito sa kanyang kwarto.
Hindi kasi alam ng kanyang pamilya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Karylle. Tanging ang mga kaibigan niya lang ang nakaka-alam sa tunay na nangyari.Pinihit niya ang door knob ng dahan-dahan at sinilip niya muna si Karylle kung tulog pa ito. Nang makitang mahimbing pa ito sa kanyang siesta ay pumasok siya sa loob at mukha siyang magnanakaw na maingat sa paglalakad at pagdadala ng mga gamit niya sa loob.

YOU ARE READING
Side By Side (ViceRylle Story)(ON GOING AND VERY SLOW UPDATE)
FanfictionWe could be so much more than what we are. What we've been. We could be forever. We could be immortals. We could be the ones walking side by side as the world changes around us. Side by side, going through time, staying the same,never aging, seeing...