States Side I

117 4 1
                                    

General POVs

Pagkatapos ng isang buwan, after nang hiwalayan ng ViceRylle ay nagkanya-kanya na ang ating mga bida. Si Karylle asa showtime pa rin. Nagluluksa para sa namatay niyang puso dahil kay Vice. Si Vice naman nagpaalam sa direktor ng show na magbabakasyon muna siya sa States total naipalabas naman na ang pelikula nila na kasali sa MMFF na nag top 1 pa ito as the highest grossing Filipino film of all times. Kaya bilang regalo sa kanyang sarili ay ng unwind siya mag-isa sa US. Malayo sa mga kaibigan at pamilya, at malayong-malayo kay Karylle na minsan pinangarap niyang iharap sa altar saksi ang mga pamilya at kaibigan at saksi ang Maykapal--SANA. SANA kung hinayaan siya ni Karylle na magpaliwanag di sana, okay pa sila. Masaya pa SANA sila. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at si author kaya sila naghiwalay. 😂

Vice POVs

Nanunuluyan ako ngayon sa isang hotel dito sa San Francisco-States of America. Isang buwan na rin ang nakalipas noong hiniwalayan ako ni Karylle ngunit ang sakit dito sa puso ko ay parang kahapon lang nangyari, parang kahapon lang ako hiniwalayan ni Karylle, sariwang sariwa pa ang sakit na dulot ng pakikipaghiwalay niya sa akin.
Kaya ngayon, andito ako sa US nagbabakasyon, malayo sa aking mga kaibigan at pamilya lalong lalo na kay Karylle. Buti nga at pinayagan ako ng direktor ng show namin na mag unwind ako for two months dito.
At sana nga makatulong ito sa pagmomove-on ko para sa nawasak kong puso na ang dahilan ay si Karylle. Si Karylle na minahal ko buong buhay ko. Si Karylle na hanggang ngayon minamahal ko pa rin.
Paano ba mag move on sa kanya??
Iniisip ko pa lang ang mga gagawin kong hakbang ay mukhang susuko na ako agad. Di ko kaya. Di ko kayang kalimutan siya. I can't even unlove her. For God's sake! Siya kaya ang BuhayKo. ☺️
I have barely one month left at babalik na naman ako sa Pilipinas, makikita ko na naman siya. Kumusta na kaya siya? Kumakain kaya siya sa tamang oras? Sino kaya katabi niya sa pagtulog? Iniisip niya rin kaya ako sa mga oras na ito? O may bago nang nagpapasaya sa mundo niya habang wala ako?
Aghhhgg!!! Pumunta ako dito sa US para sana makalimutan ko siya, pero itong puso't isipan ko ang mga taksil! Naloloka na ako dito.
Ganito talaga kapag talagang mahal mo ang isang tao, di mo magawang magalit sa kanya. Hahanap-hanapin mo pa rin siya kahit saan ka magpunta. Oo, noong una, galit ako sa kanya dahil napakasarado ng isip niya at ayaw niyang makinig. Pero ngayon at isang buwan na ang nakalipas na di ko siya nakikita, siya naman ang hinahanap ng aking mga mata. Simula sa paggising hanggang sa pagtulog, siya ang hinahanap ng aking mga paningin. Ngunit masakit dahil di ko pa siya nakikita.
Well, I'm not yet ready enough para makita siya.

General POVs

Araw ngayon ng linggo at dahil mag-isa lang si Vice sa kanyang hotel room ay naisipan niyang pumasyal sa SanFo. Kaysa mabaliw siya sa kakaisip kay Karylle ay nag-ayos ito at lumabas.

Sa kanyang pamamasyal ay may nakita siyang pamilyar na tao. Di niya akalain na makikita niya dito ang babae. Nilapitan niya ito dahil mukhang mag-isa lang din naman ito.

Vice POVs

Lumapit ako sa babaeng nakita ko sa di kalayuan. Nakaupo lang siya sa isang bench. Andito kasi ako ngayon sa isang park sa SanFo.

Nang malapit na ako sa pwesto niya ay bigla akong umupo sa tabi niya. Nagulat pa siya ng nakita niya ako.

"Oh my God! Its you! Mr. Viceral right? Tanong niya sa akin.

"Yes, I am. The one and only." Sagot ko naman.

"What on earth brought you here?" Taas kilay niyang tanong.

"To visit the beautiful city of San Francisco" pabakla kong sabi sabay wave ng right hand ko.

Natawa naman siya sa ginawa ko.

Side By Side (ViceRylle Story)(ON GOING AND VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now