The Separated Side

122 5 1
                                    

General POVs

Dahil sa di inaasahang pangyayari kahapon sa pagitan  nila Vice at Karylle ay hanggang ngayon di pa nakaka-get over si Vice. Dahil the sooner, the later ay papakasalan niya na si Karylle. Though nauwi lang ito sa hindi pagkakaintindihan sa isang sitwasyon at nauwi na nga ito sa hiwalayan nilang dalawa.
Mugto ang kanyang mata dahil magdamag siyang umiyak. Ilang beses niya ring sinubukan na tawagan si Karylle ngunit di ito sumasagot sa mga tawag niya. Kahit ang mga text nito ay wala ding reply sa kanya ang huli. Dahil sabado ngayon ay kailangan niya pang mag-ayos kasi my Showtime pa. At di niya alam kung kaya niyang pumasok sa trabaho ngayon dahil tiyak naroon din si Karylle. Magkikita at magkikita rin sila ni K. At sana nga pumasok si Karylle mamaya dahil yun na lang ang pag-asa ni Vice upang kausapin ang dalaga at magpaliwanag sa mga pangyayari. At para maisalba pa ang relasyon nila na kahit pa sikreto ito ay masayang-masaya naman sila dito. Pinagdadasal niya din na sana kausapin siya ng dalaga o kahit makinig lang ito sa mga  sasabihin niyang paliwanag.
Dahil alas dyes na rin ng umaga ay naisipan niya nang lumabas sa kanyang room at tumungo sa kusina upang mag almusal.

On the other hand...

Nasa bahay nila Miss Zsazsa si Karylle. Dito siya tumuloy kagabi nung lumayas siya sa condo nila ni Vice. At dahil nasa US ang kanyang mama ay ang kanyang dalawang kapatid lang ang kasama niya dito. Naikuwento naman na niya sa dalawang kapatid ang nangyari sa kanilang dalawa ni Vice. Naiintindihan naman siya ng kanyang dalawang kapatid pero di rin napigilan ni Zia na masabi sa kapatid na nakinig sana ito sa paliwanag ni Vice. Ngunit ang tanging sagot lang sa kanya ni Karylle ay di niya na kailangan ang paliwanag mula kay Vice, dahil siya mismo ang nakasaksi sa mga pangyayari. Di na rin nakipag-argue pa sa kanya ang kapatid. At ngayon, katatapos niyang maligo dahil papasok siya ngayon sa trabaho dahil may prod kasi ito at bawal siyang umabsent kahit gustong-gusto niyang manatili sa bahay ng kanyang mama for the whole day dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha ng dating nobyo. Nakapagdesisyunan niya na lang na umiwas mamaya kay Vice kung papasok ito sa Showtime mamaya.

12:00 Its Showtime Studio

Katatapos lang ang prod ni Karylle kasama ang mga girltrends. Nasa kanyang sariling dressing room siya ngayon at mag-isa habang nagreretouch para sa next segment na Cash-Ya nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyang room revealing the guy na kanina pa niya iniiwasan.

"What are you doing here in my room?!" Singhal ni Karylle sa binata.

"Im just here to say sorry and to explain everything about what happened yesterday" mahinahong sagot naman ni Vice sa dalaga.

"Explain??! Para saan pa Vice?! Di mo na ako maloloko!" Galit niyang sabi.

"Please Karylle, listen to me. Kahit isang minuto lang o kahit 30 seconds. Basta makinig ka lang sa mga sasabihin ko" pagmamakaawa niya sa dalaga.

"No! And I won't listen to your lies anymore Vice. Alam mo? Umalis ka na lang!" Singhal niya sa binata.

"Please Karylle. Wag naman ganito. Makinig ka naman sa akin dahil gustong gusto kong isalba ang relasyong sinimulan natin K." Teary eye na sabi niya habang nakaluhod sa harap ni Karylle.

"Sorry Vice, but we're over." Sagot niya sa binata at lumabas sa kanyang dressing room.

Tumakbo siya sa fire exit at doon niya binuhos ang sama ng loob para kay Vice. Nagagalit siya at nanghihinayang para sa masayang relasyon nila ni Vice dati, na kahit patago ito ay masaya pa rin naman sila. Siguro nga, hindi sila para sa isa't-isa.

After five minutes ay bumalik na siya sa kanyang dressing room at nadatnan niya si Sid na kaibigan niya.

"Miss K? Anong nangyari sayo?" Sita niya sa mugtong mata ni Karylle.

Side By Side (ViceRylle Story)(ON GOING AND VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now