7th Dear

3 1 2
                                    

Papunta na ako ngayon sa room namin. Maaga pa naman kaya nagmomodel muna ako sa hallway habang ang mga matang gandang ganda sa akin ay nakasubaybay. 😉

Nagising ako kanina ng walang kagana gana. Para bang hindi ako excited. Kung pwede nga lang sana ay hindi na ako pumasok e, pero hindi pwede kasi maganda ako. Hay. 

"Ashley!" biglang tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. 

"Ashley!" tawag pa uli nito na papalapit na. Ngunit hindi pa din ako tumingin at binilisan ko ang aking pagrampa.

Pero sadyang maarte talaga ako kaya naabutan ako ni Amiel. 

"Uy Ash! Kanina pa kita tinatawag e." kasabay nito ang pagtapik niya sa aking balikat.

"Ah ganon ba? Sorry. Ano kasi.. ah.. medyo maingay hindi kita napakinig." pagdadahilan ko kahit na ang totoo ay iilan lang ang mga estudyante sa hallway. "Sige una na ako. Magta-time na din kasi." 

"Edi sabay na tayo." mabilis na sambit niya.

"Hindi. Amiel ano kasi.. pupunta pa kasi akong cr kaya una na ako ha." nagmadali na ako sa paglalakad.

"Ashley!" ay bwiset. makaka-ilang tawag kaya sakin ito. Kunot noo akong lumingon sakanya. "Ano pa Amiel?"

"The comfort room is on the opposite way, right?" tanong niya na napakamot pa sa ulo.

Tiningnan ko ang opposite way na sinasabi niya at tama nga andun nga ang cr.  Gosh. 

'Where on earth is meh. 0.0 

Medyo nagulat ako pero hindi ko pinahalata.

"Oo nga, dun naman talaga ako pupunta e. May sinilip lang ako sa way na 'to." pakukunwari ko. Tinalikuran ko na siya ay nagpunta na sa cr. 

Hindi ko na uli siya tiningnan pa kasi alam ko naman na ang waley ng rason ko. Pero bakit ko nga ba ginawa yun? Hindi ko din maintindihan ang sarili ko e. 

Basta ang alam ko lang ayokong sumira ng relasyon ng iba. May girlfriend na si Amiel at ayoko ng lumapit pa sakanya. Kahit pa gwapo siya at crush niya ako maganda pa din ako kaya hindi dapat ako nakikiagaw at nakikihati sa pag-ibig.

Nagsalamin lang ako sa CR at pumunta na agad sa room. Sa kabilang row ako umupo at hindi sa tabi ni Amiel at Chryselle. Hindi ko sila tinatapunan ng tingin para hindi nila ako makita. Pagka upo ko ay bigla ako tinawag ni Chryselle.

"Beshung! bakit dyan ka umupo? Dito ka sa tabi ko."

"Dito na ako besh, para mas maintindihan ko tinuturo ng teacher natin." sagot ko at kinindatan pa siya. Pansin kong napatingin din si Amiel sa pag uusap namin kaya ibinaling ko na agad sa iba ang aking atensyon. Sakto naman na dumating na ang teacher namin.

-

Lumipas ang maghapon na hindi ko kinausap o tinignan man lang si Amiel. Inubos ko lang ang oras at atensyon ko sa klase at pagbabasa... kunwari. -_-"
Buti na lang uwian na. Ang hirap kayang pigilan tingnan yung tingin ng tingin sayo. Duh!







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear myself, Love, AsyumeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon