5:46 Am
Jimelyn: Sino ka ba?
Hindi ko na mapigilang sumagot sa kaniya. Mas mabuti na ito, para na din malinawan na ako sa kung ano ang katotohanan.
Hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaisip. Pang-ilang beses na ba siya nag-chat? Tatlo? Apat? Sabi nga, one is not enough, two is much. Pero nakaka-apat na siya.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumayo at bumangon. Linggo naman ngayon, magsisimba nalang ako. Bumaba ako sa kusina para mag-almusal. Kumuha ako ng EC sa ref at gatas.
Binuksan ko din ang T.V. ko sa loob ng kusina. Yup. I have T.V. on my kitchen. Habang kumakain ay nanonood ako ng balita. Kabwiset lang at nakarelate ang dating ako sa binabalita.
“Mataba ka ba? Pinag-kaitan ng sexy body figure? Tamang tama ang naimbento ng mga taga-' ' na para talaga sa inyo. Ang Drazer o ang parang belt na ilalagay na lamang sa inyong tiyan. In 5 days, papayat ka at kitang-kita mo ito!”
Oo, mataba ako dati. Hindi ko na kailangan pa ang Drazer na 'yan. Sexy na ako, nagpasexy ako. Kaso, pagbalik ko dito, wala na ang inspirasyon ko. Si Kristian.
Siya lang kasi ang nakaka-appriciate ng lahat saakin. Kahit simpleng bagay lang, tuwang-tuwa na siya para saakin. Pero ngayon, wala na akong Kristian.
“Isang lalaki na naka-survive sa Heart Cancer noon, bakit kaya namatay ngayon?”
Muling bumalik sa pinapanood ko ang aking atensyon. Heart cancer? Naka-survive? Tapos namatay? Aish. Sinungaling, 'di naman 'yong mangyayari. Naka-survive tapos namatay?
Pagkatapos ko kumain ay pinatay ko na ang T.V. at naligo na. After ko maligo, nagbihis ako bago ako lumarga papunta sa simbahan.
Isang oras lang naman ang simba kaya after no'n, pumunta ako sa bahay nila Triss. Wala naman akong gagawin sa bahay ko. Ang boring do'n kung mag-isa lang ako. Pero nang makarating ako kila Triss, bumungad kaagad saakin ang board sa gate na may nakalagay na. . .
House for Rent
-—-—-—-
Dedicated to : MintLuvWuv
BINABASA MO ANG
19:22 Time of Death
ParanormalHighschool Stories #3 | Moments make memories-and entities. *** A novelette. Suffering from continuos distresses after the passing of his friend, Jimelyn once again find it hard to smile and laugh for she have no reason to do so. What aches her hear...