Pinapasok ko siya sa loob. Kusa naman siyang umakyat sa kwarto ko. Kung hindi ko siya kaibigan malamang tinulak ko na siya sa hagdan dahil 'di manlang nagpaalam sa pagakyat sa kwarto ko.
Pawis na pawis siya, namumutla, balisa at nang buksan ko ang gate patingin-tingin siya sa paligid niya.
Pumasok na din ako sa kwarto. Nakita ko siyang nakadungaw sa bintana ng kwarto ko. Parang may hinahanap at tinitignan. Ano bang nangyayari sa kaniya? Hindi kaya napagtripan siya sa labas?
"B-bes? Anong nangyari?" Tanong ko sa kaniya. She's acting so weird. Kanina lang sa text parang excited na excited siya e.
Dahan-dahan siyang lumingon saakin. She's creepy. Ang buhok niya gulo-gulo at may ilang basa dahil sa pawis niya. Tumawa siya ng mahina. "Nakita ko ulit siya," mahina niyang sabi.
Natatakot na ako sa kinikilos niya. "S-sino? Bes 'wag mo naman akong takutin ng ganiyan!" Sabi ko. Dahan-dahan siyang umupo sa kama ko.
"Si Kristian," bulong niya. Tumawa ulit siya. Mas malakas kesa sa nauna. "Sinisingil na niya ako," palakas ng palakas ang tawa niya. Ngayon ko lang napansin na ang laki ng eyebag niya sa mata.
Huminto siya sa pag-tawa at tinignan ako sa mata. Napalunok ako ng laway. "Si Kristian? N-nakita mo?" Naalala ko tuloy na nakita ko si Keco, 'yung pinagkamalan kong Kristian. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung siya ba si Kristian o nag-kamali lang ako.
Tumango siya. "Kanina," pag-sisimula niya. "Sinundan niya ako sa pag-bili ng mga snacks," paglalahad niya. Mukhang ayos na siya ngayon. May mga mugto ng luha na naiipon sa mata niya. Umupo ako sa tabi niya. "Pero paglabas ko ng convinience store, hinabol niya ako!"
Kaya pala pawis na pawis siya. Pero bakit sa kaniya lang nagpapakita si Kristian? Bakit saakin, pilit ko mang gustuhin na makita siya, ayaw niya.
"Ayos ka na ba?" Tanong ko sa kaniya.
Pinunasan niya ang luha niya. "Oo. Hindi lang talaga ako makapaniwala,"pabulong niyang sabi. Nilabas niya ang mga pagkain sa paper bag. Ang daming chichirya at kung ano ano pang soda.
"Sigurado ka?" Pag-susure ko.
Tinanguan niya ako at binigyan ng isang ngiti. She's really acting some kind of weird.
BINABASA MO ANG
19:22 Time of Death
ParanormalHighschool Stories #3 | Moments make memories-and entities. *** A novelette. Suffering from continuos distresses after the passing of his friend, Jimelyn once again find it hard to smile and laugh for she have no reason to do so. What aches her hear...