Jimelyn Point of View
Hindi naman siguro stalker 'yung lalaking nakita ko kagabi? Napaka-over thinking ko lang talaga. Ang nakakainis pa, kung ano-anon naiisip at pumapasok sa utak ko.
"Ma'am, ayos na po ba talaga ang lagay ninyo?" Napa-mulat ang mga mata ko ng marinig ang boses na mahinhin. Napatingin ako kay Fiona.
"Ah, oo. Ayos na ako, salamat nga pala sa pagdala saakin sa Ospital," nginitian ko na lamang siya. Nag-lilinis siya sa loob ng kusina dito sa Restaurant. Isa siya sa mga masisipag kong worker.
"Base po sa itsurs ninyo, noong nahimatay kayo at ngayon. Pareho po kayong may malalim na pinoproblema," sabi nito. Napayuko ako. Wala naman talaga akong problema.
Yung Kristian lang talaga na nag-memessage ang nagpapagulo sa isipan ko.
"Alam ko pong masusulusyunan niyo ang problemang hinaharap ninyo. Basta pag-kailangan niyo po ng payo, nandito lang po ako," ngumiti siya saakin kaya ginantihan ko din siya ng ngiti.
Kung papansinin mo kasi si Fiona, isa siyang mabait at masipag na worker. Isa siyang working student. Grade 12 na siya sa pasukan sa pinag-aaralang school malapit dito sa restaurant.
Siya nga ata ang pinaka-batang worker ko dito e. Assitant cook siya ni Chef Balmes. HRM ang course ni Fiona.
Tumingin ako sa parihabang glass window sa pintuan. Ang daming tao ngayon. Weekend ngayon. At bakasyon pa. May mga batang kasama ang mga matatanda ast halata ang saya sa mga mukha nila.
Isang lalaki ang pumasok mula sa malaking glass door ng restaurant. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko gaanong maalala kung saan ko siya nakita. Basta ang alam ko nakita ko na siya.
Umupo siya sa corner ng restaurant. Mayroong bumabagabag sa loob ko pero hindi ko maintindihan. Nag-abot ss kaniya ng menu ang isa kong waiter. Nakangiti naman itong unorder.
Bakit ba pamilyar talaga siya sakin?
BINABASA MO ANG
19:22 Time of Death
ParanormalHighschool Stories #3 | Moments make memories-and entities. *** A novelette. Suffering from continuos distresses after the passing of his friend, Jimelyn once again find it hard to smile and laugh for she have no reason to do so. What aches her hear...