Chapter 11

338 24 1
                                    

Nakangiti siya, at kung hindi ako nagkakamali, para saakin ang matamis na ngiti na 'yon. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Kung magugulat ba ako, o magiging masaya.

Dahan-dahan ay umalis siya sa kinaroroonan niya kaya na-alarma ako. “Teka! Kristian!” kaagad akong napatakbo, narinig kong tinawag pa ako ng matandang babae pero 'di ko na siya pinansin.

Nakaabot ako sa kinaroroonan niya pero bigla na lamang siyang nawala. “Kristian? Teka, Totoo ba 'to?”bulong ko sa sarili ko.

“Alin ang totoo?”bumalik ang ulirat ko nang magsalita ang matandang babae.

“Ah, Eh? Wa-wala po,”napakamot ako sa batok ko. Nanaginip nanaman ba ako ng gising? O nasobrahan lang ako sa imagination? Or, nadala lang ako ng taong nag-cchat saakin? Hayst.

“Iha, ang sarap ng pagkain. Maraming salamat sa iyo, teka. Bilang kabayaran sa kabutihan mo saakin—”hindi ko pinatapos ang sasabihin niya at nagsalita na ako.

“May magical powers po kayo? Galing ka po ba sa Wansapanataym o sa Daig kayo ng Lola ko? Tapos bibigyan niyo po ako ng kakaibang gamit gano'n?”excited na tanong ko habang hawak ang magkabilang balikat ng matanda.

Sinamaan niya ako ng tingin at pinalo. “Iha, bawas-bawasan ang panonood ng pantasya ha? Pero hindi, bilang kabayaran sa kabutihang asal na binigay mo saakin, gusto mo bang hulaan kita?”tanong nito.

“H-hula po-po? Lola Hula?”tanong ko pa dito. Nililinaw ko lang naman.

Tumango lamang ito.

“Akin na ang kanang kamay mo,”utos nito. Inangat ko na lamang ang kanang kamay ko kahit na naguguluhan ako sa gagawin ng matanda. Sa panahon ngayon, may mang-huhula pa pala?

Inabot niya ang kamay ko at pumikit. “Ano bang nais mong malaman Iha? Past, Future o ang kasalukuyang nangyayari?”tanong nito—nakapikit parin.

What if, hmmm. . . itanong ko sa kaniya yung totoong nangyari noon kay Kristian? No'ng mga panahon na wala ako dito? Wala naman sigurong mawawala if itanong ko 'diba?

“Ah, past po. May naiwan po kasi akong kaibigan dito noon, hindi ko po kasi alam kung buhay na siya o, p-patay?”sabi ko.

Tumahimik ang paligid at agad na hinaplos ni Lola ang palad ko. “Isang kaibigan? Wala akong makita bukod sa 7:22, Tapos lalaking nakangiti, may hawak na laptop at— at,”inabangan ko ang susunod na sasabihin ng matanda ngunit nagulat ako sa sunod nitong sinabi.

“Lalaking gustong bumalik para sa isang babae,”aniya.

“Sino pong babae?”agad na tanong ko.

“Iha, Ikaw.”

19:22 Time of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon