House for Rent.
Binebenta na nila ang bahay nila? Is it mean na wala na sila Triss dito?
"Oh bes? Nandito ka?" napalingon ako sa likuran ko. Si Triss pala.
"Ah, oo. Ma-bobored lang kasi ako sa bahay kaya I decided na pumunta dito. Pero. . ."lumingon ako sa bahay. "'Di mo naman sinabi saakin na ibebenta mo na ang bahay niyo. Bakit?"lumingon akong muli sa kaniya.
She sigh. "Ayaw ko man ibenta, pero sabi nila Mom ibenta ko na. Luma na daw ito at malapit ng masira. Ayoko nga sana dahil pamana pa ito ni lolo saamin,"lumakad siya papunta sa kotse niya.
"So, saan ka na titira?"tanong ko.
"Hindi ko nga din alam. Pina-pagawa pa kasi ang magiging bagong bahay namin dito sa pilipinas, Laguna to be exact. Ang isa naman naming bahay nasa Canada. So, saan ako titira?" tumingin siya sa malayo. Gano'n din ako.
Habang nag-iisip, nakakita ako ng repleksyon ng isang lalaki sa corner ng mata ko. Hindi ako pwedeng magkamali, lalaki, tao. Si Kristian.
Agad akong napatakbo sa lugar kung nasaan 'yong lalaki. "Kristian! Teka hintayin mo ako Kristian!" patuloy lang ako sa pagtakbo, samantalang si bes, patuloy sa paghabol saakin.
Pumasok ako sa masukal na gubat. Paano nagkagubat sa lugar na ito? Wala naman akong gubat na nadadaanan kapag pumupunta sa bahay nila Triss.
Isang kotse ang narinig ko, papalapit ito sa kinatatayuan ko. Mabilis ang kotse, halos lahat ng puno natatamaan nito. "Tulong! Tulungan niyo ako!"sigaw ng nasa loob ng kotse.
Gusto ko man siyang tulungan, hindi ko naman siya maaninag, isa pa, nagisay na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Napapikit nalang ako ng mata ng masagasaan na ako ng kotse na ito.
Ilang segundo pa, wala akong naramdaman na kahit ano. Walang sakit, walang kirot, walang kahit ano. Binuksan ko ang aking mga mata, nalaman ko na lamang na sumabog na pala ang kotse dahil sa malakas na ingay na nagmula sa likuran ko.
Ni-lingon ko ito, kasabay ang pagbalik ng mga salita na narinig ko kaninang umaga.
"Isang lalaki na naka-survive sa Heart Cancer noon, bakit kaya namatay ngayon?"
Bakit? Anong nangyayari? Bakit binabagabag ako ng mga salita na nagmula lamang sa balita? Bakit? Arrgh! Napahawak ako sa ulo ko. Paulit-ulit. Ang sakit na.
"Isang lalaki na naka-survive sa Heart Cancer noon, bakit kaya namatay ngayon?"
"Isang lalaki na naka-survive sa Heart Cancer noon, bakit kaya namatay ngayon?"
Tama na! Tama na! Napaluhod na ako sa sahig. Nakahawak sa ulo, at nakatingin sa kotse na sumabog. Nakita ko na ang sakay nito, ang driver.
"KRISTIAN!?"
----
Dedicated to: mspottybiscuits
BINABASA MO ANG
19:22 Time of Death
ParanormalHighschool Stories #3 | Moments make memories-and entities. *** A novelette. Suffering from continuos distresses after the passing of his friend, Jimelyn once again find it hard to smile and laugh for she have no reason to do so. What aches her hear...