Third Person's POV
Nakadating ang lima pabalik sa Athenaeum limang minuto bago magsimula ang klase. Patakbo silang pumunta sa classroom nila ngunit pagdating nila doon ay nakapasok na ang susunod nilang teacher.
Liya: Mademoiselle, we're very sorry if we were late.
Mademoiselle: Its alright. ^_^ You can enter the room.
Naggood morning yung apat na mababait habang si Belle, dahil alam naman nating lahat na medyo medyo lang ang bait nya, nagdirediretso lang sya sa upuan nya.
Mademoiselle: As I was saying earlier, my name is Mademoiselle Venice, your Foreign Language professor.. 26 years old!! I am half Filipino and half French but I am purely Drop Dead Gorgeous and Beautiful. Double S din ako, single and sexy. ^_^ Mahilig ako sa pagbabasa ng magazines, gimiks, and pagpapabeauty. Don't worry dears, mabait ako.. I am an angel sent from heaven to teach you French Language. Add me on Facebook, Venice Anne Deveraux, and follow me on Twitter, Double S Beauty. Mwuahhh!!! *bow*
Ang reaction ng mga estudyante nya:
Girls- ^_-
Boys- 0_o
Lahat sila ay nashock sa ugaling ipinakita ng teacher nila. Dahil hindi katulad ng ibang teacher, mukhang masarap makabonding si Mademoiselle Venice..
Mademoiselle Venice: Dahil first day lang naman natin ngayon, hindi ko muna kayo papahirapan. Baka next meeting na lang tayo magklase, tinatamad din akong magturo eh.. Basta kailangan nyong mag-aral ng Foreign Language dahil mga future agents kayo. Most of the time kasi dears, mas priority ng mga agency yung mga agents na maalam magsalita ng ibang language. Sila kasi yung mga pinapadala sa iba't ibang bansa. Kaya para sa isang agent, mas maganda kung at least 5 languages ay alam ninyo. :))
Nikki: At least five po talaga.. Ang hirap naman nun. Parang dadalawa lang ang language na alam ko ah.. di pa ako fluent sa English.
Mademoiselle Venice: Ganyan talaga.. pero I assure you dears, I am the best FL professor that you can have because I am the one and only Double S!!!
*facepalm*- yan na lang ang nagagawa nilang sagot sa mga pinagsasabi ng kanilang professor.
Natapos ang isang oras nilang iyon ng nakikipagchikahan lang ang kanilang professor sa kanila. Ang mga lalaki, hindi makarelate dahil nga naman fashionista at babae ang kanilang professor.
Next na subject nila ang Math at Filipino.. Sa mga subjects na yun ay hindi na nagturo ang kanilang mga professor at nagpakilala lamang ang mga ito.
Limang subjects lang ang meron sila sa isang araw kaya naman maaga lagi ang uwian nila. Pagdating ng 3 o'clock ng hapon ay free time na nila ngunit bawal na silang lumabas ng campus. Mga 9 am to 2:30pm lang kasi pwedeng lumabas ng Athenaeum, at kapag nag alas-tres na ay wala pa sa loob ng campus ay pinapahanap na sa mga magagaling na agents ng school.
Sapphire's POV
Mabuti lang talaga at maaga ang uwian namin dahil maghahanap pa ako ng magagamitan ng computer para magawa ko na yung dalawang assignment ko. Magkasabay kaming gagawa ni Nikki ng assignment kasi yung tatlo may android phone at laptop naman. Nahihiya kasi kaming manghiram dun sa tatlo eh kaninang umaga lang naman kami nagkakilala. Naglakad na kami papunta ng Central Part dahil andun yung Freud Building. Sa Freud Building daw kasi nakalocate yung Computer Lab, na ayon sa mga pinagtanungan namin pwede daw doon magsearch kapag may mga assignments na kailangang gawin.
Nikki: Grabe naman to Sapphire.. Bakit ba kasi sobrang laki ng school na to at ang haba na ng nilalakad natin pero hindi pa din tayo makaabot sa Central Part.
BINABASA MO ANG
Athenaeum University: Learning to be a Detective (HIATUS)
AdventureAng story pong ito ay para sa mga mahihilig sa puzzles, crytograms and logical reasoning. Medyo detective story pero in-training ang characters. ^__^ Matinding Paalala: Mula ito sa magulong isip ng author na walang magawa sa buhay. Kaya sya ay nagty...
