Chapter 9

1.9K 63 2
                                    

Sapphire's POV

Ms. Anna: I don't want any personal problems between anyone of you while you are playing in the Tournament. Kung ano man yon, isarili nyo na lang muna. We are working here as a team. I will serve as your mentor then about sa magiging leader nyo may napili na ako. Hy, you will serve as the Class A- Sia since ikaw naman ang pinakamagaling sa class. After an hour, makakarating na tayo sa island. Prepare yourself guys...

After an hour pa.. ang tagal pa nun. Eh halos two hours na kami nakasakay dito sa yate.

Andito ako ngayon sa labas at nagpapahangin.

John: Do you want? *alok ng coke*

Sapphire: Uhmm.. thanks

Kinuha ko na yung coke, tatanggi pa ba ako eh uhaw na ako.

John: We're bestfriends before..

Sapphire: Huh?? Nino?

Ano bang pinagsasabi ng lalaking to.. bigla na lang nagsasalita.

John: Ni Hy.. I know that you are interested about it.

Sapphire: Paano mo naman nasabi?

John: Because you like him? Am I right?

Sapphire: Saang lupalop naman ng bansa mo nasagap ang tsismis na yan.. wala akong gusto dun.

John: Well, sabi mo eh..

Sapphire: You said kanina, bestfriends kayo before..Pati close ba kayo ni Princess dati?

John: Princess is my ex-girlfriend.

Sapphire: WHAT?? Ex mo? eh diba sila ni Hy? tapos bestfriend mo dati si Hy.. meaning kaya kayo nag-away dahil kay Princess?

John: Yes.. Hy and I were used to be bestfriends. Naaayos namin dati ang kahit anong conflict between us. I was in second year nung makilala ko si Princess, kapatid sya ng kaibigan ng ate ko. Naging kami, but after a year, nagkalabuan kami. At the same time nun, si Hy naman nagkukwento sakin. He said that he fell in love with a girl, and the girl loves him too.. But his problem is that may boyfriend na daw yung babae. Princess broke up with me and after a month, naging si Hy at yung babaeng sinasabi nya. I was in the mall that time when I saw them and figured out na for the whole time, iisang babae lang pala ang pinag-uusapan namin.

Sapphire: That's harsh.

John: Well, harshness is part of life. I thought before na walang makakasira sa friendship naming dalawa, but I'm wrong. Love is very powerful and unpredictable. Sometimes it create wonderful things but sometimes it can also destroy everything, even the strongest friendship.

Sapphire: Bakit mo kinukwento sakin to?

John: Two reasons?First, maybe because wala na akong ibang mapagsabihan ng mga problems ko and I want to tell my story to someone else. And second, because I do trust you in a very unknown reason... Papasok na ako sa loob, sumunod ka na.. its lunch time.

He do trust me? Really?

Third Person's POV

Pagkadating nila sa isla ay nagsimula silang maglakad patungo sa bahay na tutuluyan nila. Kailangan nilang maglakad ng labinlimang minuto upang makarating doon. Walang sasakyan na susundo sa kanila dahil ang mga sasakyan sa islang iyon ay maaari lamang gamitin ng mga higher officials ng AU at mostly bikes ang gamit sa loob nito. Dalawang sasakyan lamang ang meron sa isla, pareho itong electric car. Ang mga sasakyang ito ay debaterya ngunit maaaring rin namang gumamit ng solar energy pag-umaga.

Ang islang ito ay nahahati sa apat na parte, northern part, central part, southeast part at southwest part. Ang northern part ay ang parte ng isla kung saan naroon ang headquarters ng agency, dito din nagaganap ang mga training. May wall ito na napapalibutan ng mga puno, may mga patibong din sa paligid at highly secured. Ang central part ang naghihiwalay sa northern sa ibang parte ng isla. Sa SE part o AU Subdivision, nakatayo ang mga bahay na tinutuluyan ng mga kasali sa Tournament habang sa SW part o Tournament Grounds naman ginaganap ang palaro.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Princess: Ms. Anna, do we really need to walk? Naghihirap na ba ang AU ngayon? And if ever, how come na hindi ako informed. Nasakit na ang paa ko kakalakad.

Florence: Well Sissy, paano ba naman hindi mahuhurt yang feet mo eh to infinity and beyond ang peg ng high heels mo. Try mo kayang magpaa.

Princess: Oh shut up Eugencio, you're just jealous of my beauty.

Florence: As if namang mangyayari yun...

Nagpatuloy lang sa pagrereklamo si Princess hanggang sa makarating sila sa bahay na tutuluyan nila. Ito ay dalawang palapag, malaki at sa loob ay may apat na kwarto, tatlong CR, dining area, living area and library. Mayroon ding garden sa may likod kung saan may nakaparadang sampung bisikleta.

Ang mga bahay ay sampung metro ang layo sa bawat isa.

Ms. Anna: Hanggat di kayo naaout sa laro ito ang schedule nyo. Monday, iiinform kayo kung about what ang game for the week and kung anong section ang natanggal. Tuesday, preparation or practice day. Wednesday- Friday are the Tournament Day. Saturday ang relaxation time. And every Sunday, mababawasan kayo at babalik na sa mainland ang matatanggal. Malalaman lang kung sino ang natanggal sa Monday. Its Monday today so better get going, prepare yourselves because your battle begins now...

Athenaeum University: Learning to be a Detective (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon