Chapter 8: AU Tournament

1.7K 68 6
                                        

Athenaeum University Tournament

Ang Athenaeum University Tournament (AU Tournament) ay isang kompetisyon na ginaganap sa AU kada apat na taon.

Sa Tournament na ito ay maglalaban laban ang mga section mula sa Una hanggang Ikatlong Antas ng buong AU, higher IQ man o average. Kada section ay dapat magkaroon lamang ng isang grupo na binubuo ng 10 miyembro. Ang ano mang section na kukulangin ng 10 miyembro ay hindi maaaring sumali sa Tournament. At kung sakaling lagpas ng 10 ang gustong sumali ay magbubunutan ang mga Top Rated Agent Officials, na silang naghanda ng mga laro sa nasabing kompetisyon.

Dalawang section lamang ang maaaring tanghaling panalo. Ang 20 estudyante na kasama rito ay hindi na papasok sa normal na klase ng Athenaeum at hindi na din nila kailangang tapusin pa ang apat na taong pag-aaral sa AU dahil idederetso na sila sa training upang maging isang top-rated detective. dahil napatunayan na nila ang kanilang sarili sa kompetisyon.

At para naman sa mga section na natalo, ang mga estudyanteng sumali sa Tournament ay hindi na maaaring pumasok sa AU. Sa madaling salita ay goodbye dream ka kaagad.

Isang buwan ang tagal ng paligsahan na ito,sa bawat pagtatapos ng linggo ay may dalawang grupo na tatanggalin.Ito ay ginaganap sa isang isla malapit sa AU ngunit kadalasan naman ay pinapadala na sa ibang bansa kapag kaunting grupo na lamang ang natira. Ang nabanggit na isla ay pagmamay ari ng Athenaeum Agency.

Lakas ng loob ang meron ka kapag sumali ka sa Tournament na ito. At upang manalo, kailangan ng talino, lakas, kooperasyon at tiwala ng bawat isa sa grupo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

LIST OF SECTIONS INCLUDED IN THE A.U. TOURNAMENT 2014

1st Year Sections:

1. Class A- Sia

2. Class B- Michiko

3. Class B- Quetzalcoatl

4. Class B- Thoth

2nd Year Sections:

1. Class A- Metis

2. Class A- Sofia

3. Class B- Minerva

4. Class B- Apollo

3rd Year Sections:

1. Class A- Neith

2. Class B- Solomon

Ang A.U. Tournament 2014 ay inaabangan dahil ito ang pangalawang pagkakataon na ang lahat ng section ay kasali sa laro makalipas ang 20 taon, simula ng mag umpisa ito.

>Ang Class A ay yung mga nasa Higher IQ.

>Ang Class B ay yung mga nasa Average IQ.

Mag- uumpisa ang Tournament sa susunod na linggo at ang mga estudyante na lalahok dito ay pinulong na at sinabihan nang kung ano ang gagawin at ang mangyayari sa kanila sa loob ng isang buwan.

Athenaeum University: Learning to be a Detective (HIATUS)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon