Chapter 5

2.7K 83 5
                                    

Sapphire's POV

Sapphire: Nikki, sure ka papasok tayo sa loob ng Com Lab...

Nikki: Oo naman. Ano ba Sapphire, andito na tayo sa harap ng pinto oh. Bubuksan na lang at papasok. Kailangan nating magawa yung assignment at masyado na tayong napagod para lang makarating dito, ngayon pa ba tayo babalik?

Sapphire: Eh kasi Nikki..ang baho natin. Basang basa pa tayo... baka pagalitan nila tayo pati palabasin.

Nikki: Eh ano naman? Ok lang yan. Di naman natin kasalanan na buhusan tayo ng suka ng mga luko luko kanina. Halika na nga!!

Hinigit ako ng Nikki at pumasok na kami sa loob. Grabe lang talaga, nakakahiya. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante dito, siguro nga yung nga malapit sa pinto naamoy na kami kasi nga ang baho namin.

Nikki: Sapphire, magshare na lang tayo ng computer. Parehas lang naman yung mga isesearch natin.

Pumayag na lang ako sa sinabi ni Nikki kasi may point naman sya. Naghanap na kami ng bakanteng computer, pero dahil nga sa mukhang pinaglalaruan kami ngayon ng pagkakataon, nakatapat yung upuan namin sa aircon. Edi ba amoy suka kami, baka lalo pang kumalat yung amoy na yun. Nakakahiya talaga to..

Nikki: Anong una nating isesearch?

Sapphire: Ha?! Baka yung kay Julius Caesar muna, pangalawang subject natin yun bukas eh..

Nikki: Sige.

Nagsearch na kami ni Nikki. Sya yung nag-ooperate ng computer, tapos ako naghahanap lang kapag nakapagloading na..

Nagsearch kami ng ciphers na related kay Julius Caesar tapos may lumabas na dalawang pinakagamitin. Tutal sabi ni Ms. Anna easiest assignment daw yon, edi siguro isa na sa dalawang ito.

Sunod naming sinearch yung Troy gold daw.. di namin sya masyadong nagets ng maayos kaya iyan, copy paste na lang ulit. Sa dorm na lang namin sasagutan para makalayas na agad kami dito sa Com Lab.

Liya's POV

Liya: Alex, dito ka lang muna ha. Pupunta lang ako dun sa kwarto, titignan ko kung anong ginagawa ng pinsan ko.

Iniwan ko na muna si Alex sa living room ng room namin. Yung room kasi naming lima ay parang bahay na din, may maliit na living room and kitchen, may 2 cr at isang kwarto. Pupuntahan ko lang si Belle kasi alam kong hindi sya komportable dito, mas malaki pa kasi yung kwarto nya sa bahay nila kaysa dito sa room namin.

Liya: Hey ya Belly, my cous. How are you?!

Belle: Belly your face!! What are you doing here?

Liya: Bakit, is it bad? Kakamustahin lang kita kasi alam ko hindi ka sanay sa ganito pati its past 6 pm na.. Normally, tulog ka na ng mga oras na to..

Belle: Hindi ako makatulog cous, besides this room is so small and I am not used na may katabing apat sa isang big bed.

Liya: Hay Belle... you need to be used to it.

Belle: I want to go home, Liya. I miss my mom even though she didn't care about me, even though I never saw her look at me at home, even though once a week ko lang sya makita. Liya, I miss her...

She's crying again. Mukha siyang maldita at matapang pero deep inside she's fragile.

Liya: Matulog ka na cous.. you want me to stay beside you until you fall sleep.

Athenaeum University: Learning to be a Detective (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon