Chapter 6

2.1K 85 3
                                        

Third Person's POV

Its been a month na din nung pumasok sila sa AU. Madami na din ang nangyari. Nakilala na nila yung lahat ng classmates nila pati kung dati lima lang silang sabay sabay na nakain tuwing lunch, sampu na ngayon... Si Belle the Taray, nagiging mabait na rin kahit katiting, pero syempre solo pa rin nya yung table pagnakain. Masaya naman ang grupo nilang sampu sa room, sila palagi ang maiingay, pero syempre maiiwasan ba ang mga kontrabida? Inaaway at pinapahiya sila palagi ng grupo ni Princess.

Pumunta sa may damuhan sila Sapphire at Liya kasama pa yung apat nilang bagong kaibigan na sila John, Ivan, Flare at Evon. Duon nila naisipang gumawa ng assignment tutal may mga upuan naman doon na gawa sa bato. Medyo mausok dahil sa nagsisiga ang janitress ng mga nalaglag na dahon. Maya maya pa ay dumating na si Alex at Florence (daw?!) dala dala ang mga pagkain na binili nila sa canteen.

Alex: Guys oh.. yung mga pinapabili nyo.

May chips delight, yum yum, stick o, boy bawang, piattos, coke at isang balot ng Gardenia bread na Black Forest flavor. Nagkanya kanyang kuha na sila maliban kay Florence.

Flare: Florencio Eugencio!! Anong inaantay mo dyan? Gusto mong may magsubo pa sayo? Ivan! Subuan mo nga yan..

Ivan: Ayoko nga! Ba't ko susubuan yan, si Nikki lang ang pwede kong subuan.

Florence: Wag kang mag-alala Fafa Ivan, full pa aketch ngayon. Pero next time talaga, papalafangin mo na ako. Pati pede ba.. *sabay kapit sa balikat ni Ivan* tigilan mo ang pagpapantasya mo kay Nikki. You don't have even a little bit of chance to her, pero sakin, sobrang laki ng tsansa mo. Pati kung ako ang pipiliin mo, kahit bukas pakasalan mo ako.. ok lang! So whatcha think?! ^___^

Ivan: Tanggalin mo nga yang pagkakakapit mo sa akin! *tinanggal ang kamay ni Florence* Hindi tayo bagay.. Magpakalalaki ka nga at loyal ako kay Nikki ko.

Florence: Maka- Nikki ko ka naman.

Ivan: Eh anong pakialam mo? Eh sa kung sya ang destiny ko eh.

Florence: Well fine.. may magagawa ba ako kung para sayo Destiny mo sya. Kaso ang TANONG! Para sa kanya, DESTINY ka ba nya. O ikaw lang ang mag-isang nag- iilusyon dyan? Pati di ka naman gwapo, feeler ka lang.

Ivan: Tse.. basta magkakatuluyan kami. *bato ng notebook kay Florence*

Florence: Mommy Sapphy, inaaway ako oh..

Mommy ang tawag ni Florentino a.k.a. Florence kay Sapphire.

Sapphire: Bahala kayo sa buhay nyo, ikaw Ivan. Kailan mo ba balak umamin kay Nikki?

John: Paano aamin yan eh torpe yan. Kapag balak na niyang umamin kay Nikki, imbes na magconfess, panglalait lang lagi ang nalabas sa bibig. Tanggalin mo muna pagkatorpe mo pre.

Nagkulitan lang sila nang nagkulitan doon, inaantay kasi nila na dumating si Nikki at Belle bago magstart ng paggawa ng assignment.

Pero sa halip na yung dalawa ang dumating.. Yung grupo nila  Princess ang dumating at naupo sa bakenteng upuan na malapit sa kanila. May dala syang isang box.

Princess: Well look at what my dad sent to me yesterday!

Sabi niya sa mga kaibigan nya.

Topaz: My god! Wow sis, that's the latest Iphone right.. and look may Ipad and Apple na laptop pa. Gosh Princess, you're so yaman talaga.

Princess: Ganun talaga Topaz. Well ako pa, Im great right! Pati wag mo nga akong itulad dyan sa mga PATHETIC LOSERS sa gilid gilid natin.

Athenaeum University: Learning to be a Detective (HIATUS)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon