Loving You ( chapter 3 )

264 2 0
                                    

     Umalis na ang dalaga at si Elie naman sinuntok ang dingding. Habang nanunuod sila ng movie, napansin ni Rihanna na parang ang tahimik lang ni Sonny kaya tinanong niya ito.

Rihanna- okey ka lang ba?

Sonny- ha?.....um.....hindi.

Rihanna- may problema ba? Masama ba ang pakiramdam mo?

     Biglang niyakap ni Sonny ang kaibigan. Nagulat naman ang huli.

Rihanna- Sonny, ano ba ang nangyayari sa'yo?

Sonny- Rihanna...hindi ko alam na yun ang gagawin niya!

Rihanna- sino ba?

Sonny- si Elie..

Rihanna- o! Ano si Elie?

Sonny- ..halik...

     Mahinang wika nito. Hindi narinig ni Rihanna ang sinabi ni Sonny dahil napunta ang atensiyon nito sa sineng pinapanood nila. Natapos na din ang panunuod nila, naunang matulog si Lily. Nakikinig ng musika sina Ashley at Vanessa, sumasayaw naman sina Katy at Rihanna at kumakain si Alicia. Nasa gilid ng bintana si Sonny, kanina pa siyang wala sa sarili, dahil sa nangyari kanina. Hindi niya maalis sa kanyang utak ang kaganapang yun. Bigla na lang niya naalala ang mga labi ni Elie. It feels good to kiss that guy's lips at first kiss niya yun. Nalungkot naman siya, dahil ang first kiss niya, hindi niya boyfriend. Hanggang ngayon gulat na gulat pa rin siya at nagtatanong kung bakit yun ginawa ni Elie. Alam naman niya at alam ni Elie na amy girlfriend na itong tao pero bakit ganun-ganun na lang ang giawa ng binata sa kanya. Nagugulohan siya. Hindi niya alam kung paano makaharap si Elie bukas, kung puwede nga lang magkulong siya habang-buhay sa kuwarto ni Lily o uuwi siya ngayong gabi, pero natatakot naman siyang lumabas dahil ang dilim na. Nilapitan siya ni Rihanna.

Rihanna- uy! Alam mo kanina ka pa ganyan.

     Bumuntong-hininga siya, tumayo at humiga sa tabi ni Lily, sinundan naman ito ni Rihanna. Mukhang nairita ang kaibigan nito kaya napasigaw ito.

Rihanna- Sonny!!

     Nagulat naman sina Katy, Vanessa, Ashley at Alicia. Lumapit agad ang apat na dalaga sa kanila.

Vanessa- anyari?

Rihanna- ito kasing si Sonny, kanina pang wala sa sarili!

Katy- ano ba kasi ang problema Sonny?

     Tumingin sa kanila si Sonny parang nahihiya pa siyang sabihin sa kanyang mga kaibigan ang tungkol kanina. Dahan-dahan siyang umupo at nagsimulang mag-salita.

Sonny- .....kanina....

     Mahinang wika nito.

Ashley- kanina ano?

     Excited na tanong ni Ashley.

Sonny- sa kusina.....

Katy- naku! Wag mo nga putulin!

     Iritang saad ni Katy.

Sonny- sorry...ano kasi...kanina sa kusina, hinalikan ako ni Elie.

Rihanna- ano? Pakisabi nga ulit.

     Nakangiting wika ni Rihanna.

Sonny- hinalikan ako ni Elie!

     Mabilis nitong sinabi.

     At nagsigawan ang mga kaibigan nito. Masaya sila sa nangyari pero hindi maiwasan ang katanungan sa kanilang isipan. madami pa silang tinanong kay Sonny at sinagot naman ito ng huli. Ewan niya ba sa mga kaibigan niya, nahalikan na nga siya ng lalakeng may girfriend ang saya pa ng mga ito. Kaya mahal niya ang mga ito. 

     Mag-aalauna na pero hindi pa rin makatulog si Sonny kaya naisipan niyang lumabas. Dahan-dahan siyang tumayo at mahinang binuksan ang pintuan. Pumunta siya sa balkonahe at umupo doon. Ano kaya kung aalis na lang siya? total umaga naman. Nagulat si Sonny dahil may nagsalita mula sa likuran niya, muntik na siyang mahulog buti na lang mabilis siyang hinawakan ng kung sino man ang nasa likod niya. Matagal na katahimikan ang nabubuo sa kanila. Alam ni Sonny na si Elie ito. Sino pa ba anman ang lalakeng nandun? Maya-maya niyayakap na ni Elie si Sonny at hinalikan ang leeg nito. Nararamdaman ni Sonny na nangiinit ang kanyang mga pisngi. Humarap si Sonny sa binata, tumayo siya at aalis na sana pero hinila siya ni Elie dahilan para mayakap ulit  ito.

Elie- can't wait to get away from me?

     Nanginit-init naman ang pisngi nito.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon