Loving You ( chapter 4 )

326 3 9
                                    

Sonny- a-ano ba Elie, matutulog na ako!

Elie- why not stay with me for a minute.

     At hinalikan nito ang dalaga, tinutugon naman ni Sonny. Hindi niya maipaliwanag kung bakit siya nadadala sa halik nito. Is it starting to be a drug on her? Hindi niya naman masisisi ang sarili dahil magaling humalik si Elie. Nagsimula ng lumakbay ang kamay ni Elie sa katawan ng dalaga. Habang naghahalikan ang dalawa biglang naalala ni Sonny si Zora at nagulat siya, dapat hindi niya ito ginagawa. Hinila niya palayo si Elie, nagulat naman ang huli.

Sonny- hindi dapat nangyayari ito...hindi dapat tayo naghahalikan Elie. Magkaibigan tayo at may girlfriend ka... I need to sleep.

     Mabilis umalis si Sonny pero mas mabilis si Elie, hinawakan nito ang kamay niya.

Elie- I want you Sonny.

Sonny- what are you saying!? Do you even hear yourself!?

Elie- alam kong gusto mo rin ako.

Sonny- naaantok na ako Elie.

     Pagsisinungaling nito. Binitawan na ni Elie ang kamay ng dalaga at agad itong umalis. Kinabukasan unang gumising si Sonny, nakita niyang nagluluto si Mrs. Knight.

Mrs. Knight- gising ka na pala Sonny.

Sonny- tulongan ko na po kayo diyan tita.

     Tinulongan ng dalaga si Mrs. Knight maghanda ng agahan pagkatapos nun nagkuwentohan ang dalawa. Kagaya ni Lily, ayaw din nito kay Zora at nagsabi pa ito na mas bagay daw ang dalaga at ang anak niya at sana sila na lang ang nagkatuluyan. Bahagyang ngumiti si Sonny.

Elie- good morning mom, Sonny.

     Parang bato lang si Sonny nang marinig ang boses ni Elie, hindi siya makatingin dito ang huli naman ay nakangiti na parang walang nangyari. Gumising na ang iba at sabay-sabay silang nag-agahan. Magkatapat sina Elie at Sonny kaya parang naiilang si Sonny. Nawalan siya ng ganang kumain. Napansin naman iyon ni Mrs. Knight.

Mrs. Knight- Sonny? Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo.

Sonny- madami lang kasing kinain kagabi tita.

Mrs. Knight- ganun ba? Sige wag mong pilitin ang sarili mo.

     Pumunta siya sa kusina at nagpalabas ng malaking hininga. Naisip niya na malaking kasalanan ang nagawa niya, pero hindi naman siya ang nanguna.

     Paalis na silang magkakaibigan.

Lily- sana mag-stay pa kayo dito for 3 days.

Sonny- hindi puwede!

Lily- ate Sonny naman nagbibiro lang ako.

Sonny- it's not a good joke.

Katy- wee! Talaga lang Sonny ha?..haha!

Vanessa- aalis na po kami. Bye Lily, bye tita.

Mrs. Knight- mag-ingat kayo.

Ladies- thank you tita!

Lily- bye mga ate!..

Elie- hatid ko na kayo.

     Malapit na sila sa gate pero nagulat silang lahat dahil biglang dumating si Zora. Lumapit ito kay Elie at gulat na gulat ang huli. Si Sonny naman gindi alam kung ano ang gagawin, parang hindi siya makagalaw. Tumingin si Elie sa kanya pero nag-iwas siya ng tingin.

Elie- Zora, bakit ka nandito?

Zora- visiting you.

Elie- pero ang aga pa.

Zora- bakit masama ba?

     Hindi sumagot si Elie at tinitingnan ulit si Sonny.

Ashley- hi Zora! Elie wag mo na kaming ihatid may bisita ka.

Zora- hindi, okey lang, hatid mo na sila Elie hintayin na lang kita dito.

Vanessa- hindi Zora, bisita ka ni Elie, nakakahiya naman sa'yo sa ganitong sitwasyon kaya, wag mo na kaming ihatid Elie.

Zora- okey if that's what you want.

Rihanna- sige bye Elie.

     At tuluyan na silang umalis. Binati naman ni Zora si Mrs. Knight at nagtaka naman ang matanda kung bakit ang aga pa nito. Nagpaliwanag naman si Zora na lalabas silang dalawa ni Elie. Habang nasa mall ang dalawa ang bukang-bibig ni Zora ay si Lily.

Zora- may napansin ako sa kapatid mo.

Elie- ano naman ang napansin mo kay Lily?

Zora- parang ayaw niya sa akin.

Elie- ewan ko ba.

     Sina Sonny naman nasa bahay ni Katy. Pumunta muna sila soon bago umuwi at pinag-uusapan nila si Zora.

Ashley- nakita niyo ba siya? Halatang-halata sa mukha niya na nagseselos siya!

Rihanna- nasabi mo pa, ang plastik talaga ng Zorang yun!

Sonny- guys calm down...

     Naunang umuwi si Sonny, nakita niyang daming maleta sa sala. Nagtaka siya at hinanap ang mama niya.

Mrs. Santos- anak.

Sonny- mama bakit may tatlong maleta sa living room?

Mrs. Santos- Sonny aalis ako. Lalabas ako ng pinas, pupuntahan ko ang tita mo doon.

Sonny- kailan ka ba aalis mama?

Mrs. Santos- bukas na anak.

Sonny- bukas agad?...sige...basta mag-ingat ka doon ma ha.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

hey guys!! bitin ba??... hihi thank you pala sa lahat na magbabasa nitong bagong story ko. Hope you like it. Bitinin ko muna kayo. (hihi) ^___^

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon