Loving You ( chapter 9 )

162 1 0
                                    

     Lumapit si Zora kay Elie at hinalikan ang labi ng binata, umiwas naman si Elie.

Elie- Zora ano ba!?

Zora- bakit? Hindi ka ba puwedeng halikan!?

Elie- hindi..... dahil....... ayoko na Zora.

Zora- boyfriend parin kita.

Elie- Zora let's end this.

Zora- what!!?

Elie- I can't do this with you anymore. It's over..

Zora- hindi!.... akin ka lang Elie, akin ka!

     Niyakap nito ang binata pero kumalas si Elie sa yakap nito. Umiiyak na si Zora, hinalikan ulit nito si Elie. Umiwas ulit ang binata at mahigpit na hinawakan ang braso ni Zora.

Elie- I'm not yours anymore Zora. You are free.

Zora- yan ang gusto mo?..... FINE! Magsama kayo ng malanding babaeng yun!

     Nag-init ang ulo ni Elie, hinila pa nito si Zora sa exit gate at umalis agad. Gusto niyang makita si Sonny at sabihin sa dalaga ang nararamdaman. Pumunta siya sa cottage nito. Si Sonny naman mahimbing na natutulog. Pagdating ni Elie nakita niya na nakabukas ang pintuan, pumasok siya agad. Nakita niya si Sonny na nakahiga sa kama, nilapitan niya ito at tinitingnan ang dalaga na mahimbing natutulog. Hinipo nito ang pisngi niya at hinalikan ang noo nito.

     Maya-maya nagising si Sonny. Nagulat siya nang makitang may lalake sa kuwarto, hindi niya alam kung sino. Parang may ginagawa kasi ito. Maingat siyang bumaba sa kama, kumuha ng libro, nilapitan ang lalake at hinampas ito.

Sonny- sino ka?! Bakit ka nasa cottage ko?!

Elie- a-aray!....S-Sonny, ako 'to aray!... si Elie!

Sonny- Elie?........ huh!

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon