Loving You ( chapter 6 )

207 4 1
                                    

     Nagswimming sa pool ang magkabarkada. Habang lumalangoy ang iba si Sonny naman nakaupo lang at nakikinig sa kanyang paboritong musika. Tinawag siya ni Alicia

Alicia- Sonny puwede pabor?

Sonny- ano yun Alicia?

Alicia- puwede mo bang kunin ang towel ko dun sa table? pleeease...

Sonny- sige...

     Kinuha ni Sonny ang towel ni Alicia. Noong pabalik na si Sonny may mga matang nakatingin sa kanya. Noong pabalik na ang dalaga, muntik na siyang matumba. Mabasa-basa kasi ang sahig. Buti na lang may sumalo sa kanya at si Elie iyon. Ang lapit ng kanilang mga labi at nagkatinginan sila. Namula naman ang mga pisngi ni Sonny. naramdaman niyang parang nag-vibrate ang katawang niya nang maramdaman ang palad ni Elie sa likod niya. Kinikilig ba ang katawan niya? o siya mismo ang kinikilig?

Elie- okey ka lang?

Sonny- o-oo..

Elie- sa susunod mag-ingat ka.

     At ngumiti ito. Nakita ni Zora ang nangyari at nagalit ito. Binibiro naman silang dalawa ng barkada.

Sonny- um...s-salamat.

Elie- no problem basta ikaw...

     Nag-init ang mukha ng dalaga. Nakita yun ni Elie kaya binibiro siya nito.

Elie- your blushing and it makes you more cuter Sonny. Hali ka swimming tayo.

Sonny- ayoko!.. hindi ako marunong lumangoy.

Elie- okey lang yan akong bahala sa'yo.

Sonny- salamat na lang.

     Aalis na sana ang dalaga pero binuhat siya ni Elie at tumalon sa pool. Nagalit naman ang huli.

Sonny- Elie! Ano ba?! Hindi nga ako marunong lumangoy eh!

Elie- wag kang mag-alala, hawak ko ang kamay mo.

    At pinakita pa nito na hawak nga niya ang kamay ng dalaga. Nakita ni Elie na takot na takot ang mukha ni Sonny.

Elie- hindi ka talaga marunong lumangoy noh?

Sonny- kanina pa ako nagsasabi !!

Elie- I'm here..

     Lumapit si Elie at niyakap ang dalaga. Nakita sila ulit ni Zora at galit na galit ito. Lulubog na ang araw at maghahaponan na ang barkada. Nasa cottage pa sina Sonny at Alicia, nagbibihis.

Alicia- Sonny mauna na ako sa beach. I'm so hungry na, puwede ba?

Sonny- sige Alicia mauna ka na.

     Palabas ba si Sony sa kuwarto niya, nagulat naman siyang makita si Zora na nakatayo lang sa harapan niya.

Sonny- ai!....Zora? Hindi ka pa ba pupunta doon sa beach?

Zora- Sonny....alam mo naman na boyfriend ko si Elie right?

     Biglang kinabahan si Sonny. Alam ba nito ang ginagawa ni Elie sa kanya?

Sonny- o-oo, bakit Zora?

Zora- kaya wag kang mag-flirt sa kanya!!

Sonny- ano?! Flirt? ..Zora I'm not flirting Elie!

Zora- wag ka ngang magpanggap! Nakita ko ang lahat! Lahat ng mga ginagawa mo sa kanya!

    Kung puwede lang sana, sabihin niya kay Zora ang mga ginagawa ni Elie sa kanya, pero inunahan siya ng galit.

Sonny- wala akong may ginagawang masama kay Elie, oo girlfriend ka nga niya pero wala kang karapatan pagsigawan ako!

Zora- may karapatan akong gawin kung anong gusto kong gawin dahil nga girlfriend niya ako!

Sonny- girfriend ka nga niya pero ako, kaibigan ako ni Elie at marami akong nalalaman kaysa sa'yo. At ito ang tatandaan mo Zora...wala akong may ginagawang masama kay Elie. I respect your relationship!

     Umalis agad si Sonny at si Zora tulala.

     Hindi alam ni Sonny kung bakit niya nasabi yun, basta ang mahalaga nasabi niya ang saloobin kay Zora at sana hindi na siya gugulohin nun. Pagdating ng dalaga sa beach, napansin naman ni Alicia na natagalan siya.

Alicia- Sonny bakit ba ang tagal mo?

Sonny- may inayos lang ako..

Elie- uy! Sonny nanfito ka na pala, kanina pa kita hinihintay.

Sonny- hinihintay? ba't mo naman ako hinihintay?

Elie- wala kasi ako kasamang kakain, lahat sila tapos na.

Sonny- bakit hindi sio ZORA!  ang hintayin mo?

Elie- tapos na kasi siya eh.

     At nagsimula na rin kumain ang dalawa. Kahit kailan talaga ang lakas ni Elie kay Sonny. Noong tapos nang kumain si Sonny, pumunta siya sa pool area. Tumatayo siya malapit sa pool. Dumating si Justin at kinunan siya ng litrato.

Justin- smile Sonny!

Sonny- Justin!...

Justin- bakit parang malungkot ka?

Sonny- wala may iniisip lang.

Justin- okey....smile naman diyan.. video ito.

Sonny- ikaw talaga Justin, iba na lang kaya ang kunan mo diyan.

Justinpunta muna ako doon, diyan ka lang?

Sonny- yup.

     Matagal-tagal ding nasa pool area si Sonny. Gusto niyang mag-isa. Iniisip niya ang sinabi ni Zora. HIndi naman niya nilalandi si Elie. Ang binata nga ang naglalandi sa kanya. Naglalandi nga ba? o pinapakita ang nararamdaman? Nagugulohan na siya. Ano ba ang ginagawa ni Elie. Laro? Lust? Love? Kung puwede lang sana masasagot ang mga tanong niya. Inaamin niya, nahuhulog na siya sa binata, simula noong hinalikan siya nito. Paalis na sana si Sonny nang nagulat siyang makita si Zora sa likuran niya pag-lingon niya at tinulak siya, dahilan para mahulog ito sa pool at yun ang pangyayaring nakita ni Justin.

Justin- Sonny!!!!

     Papunta si Rihanna sa pool area, nakita niyang nakahiga si Sonny basang-basa ito at minamouth to outh ni Justin. Dali-daling tumakbo ang dalaga para tawagin ang barkada.

Rihanna- guys si Sonny!..

     At agad pumunta ang magkabarkada sa kinaroroonan ni Sonnt at Justin. Pagdating dun nakita ni Ashley na nanginginig si Zora at nananatili lang itong tahimik.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon