Changed~2

349 8 7
                                    

Kath’s POV

“Anong mas maganda, itong dilaw o itong blue green na dress?” tanong ni Annika sakin habang hawak-hawak yung dalawang dress na mejo sinusukat sa katawan ko. Andito ako kela Annika ngayon kasi nga diba, sya ang mag-aayos sakin?

“Bahala ka.” Sagot ko habang kumakain ng hinanda ng maid nila.

“Alam mo? Nakakatulong ka. Ikaw kaya ang magsusuot.” Sabi nya tapos umupo sa tabi ko. “Tinanong kita kanina kung kulot, straight o nakatali buhok mo sabi mo bahala ako. Tinanong kita kung light make-up o medyo dark, sabi mo na naman bahala ako. Tsk >3<” Ayan! Nagpout pa ang babaita.

“Wow huh! Eh ikaw kaya ang nag-aayos sakin kaya dapat wag mo na ko tanungin. Kung anong tingin mong bagay sakin. Eh ano bang alam ko sa ganyan?” Di na sya nagsalita.

“Bru, san daddy mo?” tanong ko sa kanya.

“Nasa Taiwan. May business chuchu sya dun.” Hahaha! Natawa ako sa chuchu. Ang bantot pakinggan eh. XD

“Kaya pala di mo ko pinigilan na pumunta dito.”

Mayaman to si Annika. May hotel business sila. Ewan ko ba kung pano ko to naging bestfriend. Ang alam ko lang isang araw, kinausap nya ko. Then boom! Instant bestfriend na ko. Nakakapunta lang ako ditto sa bahay nila pag wala daddy nya. Ayaw kasi sakin ng erpats nya. Baka daw kasi pineperahan ko tong si Annika. Jusme naman! Sa  8 years na naming magbestfriend, e kung pineperahan ko to, edi sana ubos na mga gamit nito na pinagnanakaw ko. Tsk!

“Oh ito suotin mong sandals.”

Halaa! Loka-loka to. Ano ba to? Parang isang ruler ang heels nitong sandals na to. Eh di nga ko nagsusuot nito eh.

“Wala na bang itatas ang heels nito? Para naman maabot ko na yung kisame.”

*Pak

Nabatukan ako. Wow lang! Mag-nanay siguro sila ng nanay ko. Hilig mambatok eh.

“4 inches lang yan. Kaya mo yan.” Anak ng tokneneng! Siraulo ba tong bespren ko? Ni-LANG nya yung 4 inches?! Pasensya naman huh? Hanggang rubber shoes lang kasi ako eh.

“Osya! Bahala na. Go. Magbibihis na ko.”

“Bru! Hatid kita dun huh? Gusto ko lang isure na safe dun J”

Ang sweet talaga ng bruhang to.

Daniel’s POV

This place is effin’ boring! :l Nasan na ba sila Sed? Pano ba ko napapayag ng Daddy ko na pumunta dito?

Flashback.

“Dj.” Tawag ni Daddy ng makita ko sya sa condo ko.

“Dad, anong ginagawa nyo dito”? Kinabahan ako bigla. Di kasi yan pumupunta dito, unless important.

“I want you to attend to this party.” Sabay abot nya sakin nung invitation. ‘Business convension’ yan yung nakalagay. “I’ll be there and I want you to meet my business partners.”

“There’s no way I’ll go to this party.”

“And there’s no way you can use your car anymore.” Then pinakita nya sakin yung key ng car ko. Shit! Alam nya talaga kahinaan ko.

“Dad, bakit ba kailangan mo pa ko dyan? I’m not interested.” Sabay tayo ko. Papasok n asana ako ng kwarto ko ng magsalita sya.

CHANGED (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon