Changed~6

334 11 5
                                    

I know late updat and it is somehow maiksi. Pero I'm typing the next chapie. ConVo is much appreciated :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kath’s POV

O.O

Ohkay? May mali ba sa itsura ko? Sinabi ko na nga ba eh. Dapat talaga di na ko pumayag na suotin tong binigay ni DJ na damit eh. Ampupu aba!

Inaantay ko na magsalita yung lima. Inaantay ko silang pagtawanan ako pero di pa rin sila nagsasalita. Ano nangyari sa mga to? Ganun ba kapanget yung suot ko?

“Uyy. Panget ba talaga? Sige magpapalit na lang ako ulet.” Tatalikod na ko pero pinigilan ako ni Seth.

“Wait wait wait Kath! Bakita ka magpapalit?”

“Kasi panget diba?”

“Tongaks. Ang ganda mo nga jan sa damit mo Kath eh.” – Lester

“You should wear such clothes often.  You look so girly.” - Katsumi

Weh? Maniniwala ba ko sa mga ungas na to?

Tinitingnan ko lang sila. At dumapo ang mga mata ko kay DJ. Siya ang nagpasuot sakin nito kaya siya dapat ang magbigay ng criticism sakin.

“Oh sige na. libre lait.” Sabi ko sa kanya na ngayon ay nakatulala pa rin. Siniko siya ni Lester.

“Huh? Ah ano?” Tanong niya? Tingnan niyo. Napakawala sa sarili.

“Ano masasabi mo sa suot ni Kath?”- JC

Tumingin siya sakin ulet at inexamine ako mula ulo hanggang paa.

“Okay lang. Wala namag nagbago.” At naglakad na siya palabas.

Sabi ko naman kasi sa inyo eh. Walang pagbabago! Kaya di na kailangan pa neto. >.<

After nung araw na yun. Madalas na nila akong sunduin sa work ko tapos lumalabas kami ng mall. Sa mga araw na yun unti unti nila akong binabago.

Pati paglalakad ko kinocorrect nila. Miski yung tamang pagkain. Madalas pa, sila pa yung pumipili ng susuotin ko. Siguro kung di nga lang mga babaero tong mga to, iisipin ko na bakla sila eh XD

Minsan pa nga, pinasama nila ako sa manager nila, si Ate Mae. At alam niyo ba ginawa niya sakin?

Dinala lang naman ako ni Ate Mae sa isang parlor. Kinulot nila yung dulo ng buhok ko, permanent na daw yun. Tapos, binilihan niya ko ng maraming make up. At wag ka, sa condo niya, pinaglakad niya ko ng may tatlong libro sa ulo. Tapos tinuturuan niya ko na tumawa ng mahinhin daw. Kahit na bihira lang naman ako tumawa talaga.

Pagkatapos ng mga araw nay un. Ito na ko. Si Kathryn Chandria Bernardo na maganda “DAW”, mahinhin at pino. Jusmee! Kahit sa loob loob ko, gusto ko ng magmura at umupo ng nakataas ang paa ko.

Kanina pa ko pinagtitinginan ng mga tao ngayon dito sa school. Yung iba nga nginingitian ako at yung iba, akala nila new student ako. Amputs! Ayy.. I mean Amp! :D

“Hi Kath.” – guy 1

“Kath, anjan ba si Daniel? Gusto mo sakin ka na sumabay.”—guy2

“You look pretty Kath.”- guy 3

Ay anak nam! Hindi ako maganda. Hindi ako to! Hindi ako si Kath.

Siguro iisipin niyo ang weird ko kasi pinupuri na ko , ako pa tong ayaw. Pero sa totoo lang, hindi talaga ganito ang gusto ko. Ako yung tipo ng tao ng ayaw ng atensyon. Hangga’t maaari sa tabi lang ako. Though nung highschool ako, isa ako sa mga siga sa school naming.

Bully ako at madalas sa away. Kinatatakutan pa nga pero dati yun. Nung college, nagako ako sa Tatay ko na magpapakatino na ko.

“Kath! Wow naman ang gara ng suot mo. Hahaha!”—Annika

“Kelan ka pa natutong mag-ayos?” Tanong naman sakin ni Alex.

Si Alex? Naaalala niyo pa ba siya? Siya yung classmate at seatmate ko. Yung crush ko na babae. Sumasabay na siya samin ni Annika kumain at close na din namin siya. Mabait siya kahit na mejo masungit talaga. Minsan nga naiisip ko, para siyang babaeng Katsumi XD

Andito kami sa canteen ngayon. Lunch break na namin.

“Well, well, well, look who’s here.” Napatingin ako sa likod. At alam mo ba kung sino siya? Siya lang naman sa Nadine. No.1 panira ng buhay ko. Kasama niya ang mga alagad niya. Lima sila sa grupo nila at madalas nila akong awayin. Patay na patay kasi sila sa Parking 5 at ako daw ay isang social climber.

Ayoko man magpaapi sa kanila pero kailangan kong tuparin yung pangako ko sa nanay ko. Pero kung talagang di ako makapagtimpi, matagal ng pugot ang ulo ng mga to eh. Matagal na siguro silang nasa purgatoryo.

“San ka naman nagpaopera at nag-iba ang ichura mo?” Sabi ni Lyka, alagad ni Nadine.

“Tanga. Natural beauty yan.” Sagot naman ni Annika. Nakoo! Ito talaga ang warfreak eh. Nakakatakot.

Kinuha ni Nadine ang kuwelyo ko sa likuran at tiningnan niya yung brand ng damit ko. Wash day kasi naming ngayon kaya di kami nakauniform.

“Topshop. Ohh! How much? For sure hindi ikaw ang bumili nito kasi mas mahal pa to sa buhay mo.” Inalis ko ang kamay niya sa damit ko. Kaunting tiis na lang Kathryn, tatantanan ka din ng mga kwago na yan.

“You know what, ang suot ko din ngayong shirt ay topshop. Tapos yung palda ko ay forever21, ang shoes ko ay from France pa and well, my bag is Louis vuitton. Ang mamahal nga nito eh. Ang dami kong pera right? Eh ikaw kaya? May pera ka ba? For sure wala, eh diba POORITA ka?”

Anak ng! Ilang linggo pa lang akong nagbabagong buhay tapos may ganito na naman! Punyemas lang talaga. Pasensya Ate Mae. Alam kong pinagbabawalan mo na ko magmura pero di ko na to matiis eh.

Tumayo ako at hinarap sila. Binigyan ko sila ng magandang ngiti. Don’t worry, di ko babangasan mukha nila. Baka makulong pa ko kahit di pa ko nage-eighteen.

“Talaga? Wag kayong mag-alala. Pag yumaman ako, isasampal ko sa mukha niyo ang pera ko. Para naman makabili kayo ng magandang asal na di kayang bilhin ng pera niyo. So, will you please excuse us?”

Niyaya ko na sila Alex at Annika na ngayon ay tumatawa. Mga baliw to. Dinaanan naming si Nadine at ang mga alipores niya na ngayon ay nakanganganga na. Nagsigawan sa loob ng canteen.

Palabas n asana ako ng canteen pero may biglang humila ng buhok ko at alam niyo na ang sunod nangyari.

Grabe! Sinasabanutan ako ni Nadine pero di ako makaganti  dahil sumakit bigla ulo ko. Leche! Nakikisabay pa talaga ang katawan ko. Inaawat kami nila Annika pero inaawat naman sila ng mga alipores ni Nadine sa pag-awat sa amin.

“Hey itigil mo nga yan!”

Nagulat na lang ako ng nawala si Nadine sa pagkakahawak sa buhok ko. Nasa tabi niya sila Katsumi at pumunta naman sa tabi ko si DJ.

“Wala kang karapatan saktan si Kath. Next time na makita kong sinasaktan mo siya, di kita mapapatawad.”

Sabi ni DJ kay Nadine tapos hinila niya na ko palabas ng cafeteria. Saan kami papunta? Hindi ko alam. Isa lang ang alam ko, masakit ang ulo ko. At..

Masakit ang puso ko.

CHANGED (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon