Changed~3

358 12 4
                                    

Kath’s POV

“And here she is. Meet..” Tumingin pa sya sakin at halatang nagulat. Ako din naman.

Anak ng tokwa’t baboy. Nagkatitigan kami eh. Oh sige na, gwapo na talaga sya. Pero bigla akong nasilaw sa mga mga ilaw ng cameras kaya bumalik ako sa ulirat.

“Sino sya Daniel?” Halos puro ganyan yung tanong ng mga reporters. Takte! Di ba sasagot tong katabi ko? Sabagay di naman nya ko kilala eh. Osya! Ako na lang sasagot.

“I’m Kathryn Bernardo.” Sabay ngiti ko at kaway habang hawak ko pa yung shushi na nilalamon ko kanina.

“San kayo nagkakilala ni Daniel?”..”Gaano na kayo katagal?”.. “Are you a model?”..

Okay. Sige ang ingay nila. Di ko alam isasagot ko. Putakte!

“Uhhmm.. Sorry. Di kasi sanay si Kathryn na humarap sa public so will you please excuse us.” Sabi ni Chinito guy na kausap ko kanina habang kumakain at hinila na nila ako. Hinahabol pa rin kami ng mga reporters. Kulit ng lahi ng mga to! >.< Hinaharang naman sila nung tatlo pang guy na kasama ni Chinito guy. Kasama din pala naming itong.. ano nga pangalan nito? Dany yata? O Daniel? Lechugas! Nakalimutan ko agad.

Nakalabas na kami sa hall at ngayon papasok na sa isang room. “Teka nga.. Bitaw naman!” di pa rin ako binibitawan ni Chinito. “Punyeta naman eh! Ang sakit kaya sa paa ang nakaheels. Try mo ikaw.” Tuloy-tuloy pa rin sya tapos binuksan nya yung pinto ng isang room at pumasok kami dun. So anim kami? Limang lalake at ako? Anim yun diba?

Tiningnan nila ako, mula ulo hanggang paa. Parang hinuhubaran ako ng mga to sa isip eh. “Ang manyak nyo.” Tapos tumawa yung apat. Aba! Mga monggoloid! :\

“Teka nga, you look familiar.” Sabi ni Daniel. Yeah! Daniel. Naalala ko bigla pangalan nya.

“Ako?”

“Oo. Ikaw.”

“Ako nga.”

“Ahh! Alam ko na” nagsnap pa sya ng daliri nya na parang nakadiscover ng bagong isla sa Pilipinas. Tumingin ulit sya sakin..”Ikaw nga. Naalala nyo yung kinuwento kong babae sa inyo?” Tumingin sya sa mga kasama naming lalake pero tinaasan lang sya ng kilay na parang nagtatanong. “Yung babae na nagnakaw ng iphone at wallet ko.”

“Ahh bro! Yung sinabi mong babae na maganda at mukang anghel pero di mo akalaing magnanakaw pala.” Sabi nung isa pang guy tapos tumawa sya. Ang hirap magdescribe noh.

“Wala akong sinabing maganda sya. Hoy!” turo nya sakin.. “Ikaw yun noh?” Napaisip ako bigla. Familiar nga sya eh. Wait. Isip. Isip. Isip! Aha!

Flashback.

“Shit! Bakit ngayon pa ko nasiraan?” Rinig ko na sabi nung lalake sa kabilang kalasada. Lumapit ako sa kanya. Mukang di kami nagkakalayo ng edad.

“Anong problema boss?” tanong ko. Tinitigan nya muna ako tapos ayun. Nagsalita naman.

“Ayaw magrestart ng car ko eh.”

“Gusto mo ng tulong?” Tanong ko.

“Sige. Pano ba?” Aish! Bobo.

“Tulak mo, imamaneho ko.” Tinitigan nya ko. Baka kasi nagdududa sya eh. “Hindi ako carnapper no. Kaya dali na. Akin na susi mo.” Pagkatapos nya mag-isip binigay naman nya. Sus! Pakipot pa eh. Marunong ako magmaneho kasi may jeep tatay ko dati eh kaya natuto ako pero kasi binenta nya yung jeep nya.

CHANGED (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon