Changed~4

323 12 10
                                    

Kath’s POV

Uggh! Ano bang problema nung lalakeng yun? Bakit ba sya tumawag at pano naman nya nalaman ang number ko?! Stalker ko ba sya? Ayy teka..

Di ko naman pala to number. Ito pa pala yung number nya dati. Haha! Ang mahal kasi ng simcard eh.

Teka.. Sabi nya kelangan nya help ko? Pero wala akong pakealam. Masyado akong busy at isa pa, tulong? Loko-loko ba sya?! Sarili ko nga di ko matulungan sya pa kaya? Ugghhh! Ayoko na sya isipin. Baka mamaya sumakit na naman ulo ko eh.

Naglibot-libot lang ako ditto sa divisoria. Syempre, ditto mura eh. Tsaka kelangan  ko pang bilihan mga kapatid ko ng gamit pati na rin sarili ko kasi malapit na ang pasukan. Pasukan na naman.. Ang panahon kung saan excited ang mga estudyante dahil makikita na nila ang mga kaibigan nila pero hindi excited sa bago nilang matutunan. Ang labo! >.<

Natapos na ko sa pamimili. Ang dami kong dala. Tiyak nito matutuwa mga kapatid ko. Sheeeet! Haha! Pangteleserye yung line ko. Yung tipong namili ka para sa mga kapatid mo tapos pagdating mo sa bahay mo may problema nangyari pa lang masama sa kanila. Hahaha! Ayy. Ano ba tong iniisip ko?!

“Kath! Buti naman andito ka na. Yung nanay mo kasi.” Ito na nga ba sinasabi ko eh! Hindi naman pangteleserye ang buhay ko ah?

“Ano po nangyari kay nanay?” Pero di ko na inantay yung pagsagot nung ale na kapitbahay naming. Agad akong tumakbo sa bahay tapos nadatnan ko mga kapatid ko dun na naiyak.

“ATE!! Huhuhuhu!” Bungad ni Katy.

“Ano nangyari?”

Si nanay kasi *hik* hinuli ng mga pulis.”

“ANO?!” Agad akong tumakbo palabas at pumunt sa stasyon ng mga pulis. Pano ko nalaman kung saang istasyon? Haha! Basta. Tipikal na teleserye XD

“Nay naman! Anak ka ng toot ohh! Ano na naman bang kalokohan ginawa mo?” Bulyaw ko agad kay Nanay nung nakita ko sya doon.

“Wow! Ang sweet mo talaga anak. Di mo man lang ako kinamusta.” Pano ko sya kakamustahin? Eh pataw-tawa pa sya sa kulungan kanina habang nakikipag-tongits. Jusmee! “Eh kasi itong Si Aleng Nimfa. Binigyan ako ng raket, taganatay dawn g mga babae na alaga nya. Pumayag ako dahil magbabantay lang naman. Eh malay ko bang illegal pala yon at malay ko bang binubugaw nya ang mga dalagang yun. Kaya ayun! Ako ang nahuli. Lintek na matanda yun! Pag nakita ko sya, ipapakita ko sa kanya si kamatayan!”

“Nay, ang presyon nyo. Relax! Osya! Wala na tayong magagawa, pyansahan na lang natin.”

“Wow! Wow lang! Ang yaman mo eh noh? Saang kamay naman ng mayaman ka makakakuha ng 40,000?!”

“40,000?!” Ganon kalaki? Eh naman kasi tong nanay ko eh! Nakuu! Tatanda talaga akong maaga eh.

“Nay naman kasi! Sinabi ko naman kasing sa bahay na lang kayo at alagaan sila Kyle! At tumanggap ng mga labada! Jusmiyo Marimar! Aatakihin yata ako sanyo dito eh!” Wala akong pake kung pinagtitinginan na kami. Eh kasi naman eh ><

“Wag mo na kong ilabas dito. Bahala ka na sa mga kapatid mo.” Tapos bigla syang umalis at nagpapasok na ulet sa selda nya. Wow lang! Pang best actress na ang Nanay ko.

Kinabukasan, naghanap agad ako ng trabaho. Kahit ano basta wag lang pagbebenta ng katawan. No way yon! Papasakal na lang ako kay Bogart.

CHANGED (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon