Ang late ko! Ngayon lang nagka free time. Busy mag-aral eh. hahahahaha! :) Sorry guys!.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Daniel’s POV
“Ayy oo nga pala Kath. Paano tayo lalabas eh class hour pa ah?”
Nandito kami ngayon sa likod ng school. Di ko alam kung ano ang plano nito at dito niya ko dinala. Basta ang sabi niya lang sakin sa labas daw kami magdedate.
Alam ko iniisip niyo na para namang high school kami kasi di pinapalabas pag class hours pero kasi mga elites ang nag-aaral sa school na to. Kaya bantay sarado kami ng husto. And yeah, nagka-cutting po kami ni Kath ngayon.
Grabe! Isang linggo na ngang di pumasok tapos nagawa pa niyang magcut ng class ngayon. At inaya pa ko. Napaka-BI nito.
Nagulat na lang ako ng ipahawak sakin ni Kath yung bag niya at tumuntong siya dun sa malaking bato at inakyat yung bakod ng school namin.
“HOY DJ! TARA NA! BAKA MAY MAKAHULI PA SAYO! DALIII!!!”
Sigaw ni Kath mula sa labas ng school ground namin. Hinagis ko yung bag niya at bag ko sa kanya at ginaya ko yung ginawa niya at tumuntong dun sa malaking bato kasoooo.
“Prrrrrrrtttt! Hoy! Ikaw! Baba jan!”
Patay! Yung guard!
“DALI DJ! Pag nahuli ka. Patay ka sakin!”
Lechugas! Di ko alam kung sa guard ba ko dapat matakot o kay Kath eh. Kaya binilisan ko na lang yung pag-akyat ko at tinalon yung lupa sa labas ng school. Kalsada na yun actually.
“Prrrrttt! Hoy kayo! Tigil!”
Hala! May mga guards na din sa labas ng school. Patay!
Hinawakan ni Kath yung kamay ko at hinila. Woaw!
Hahahahaha! Nakakatuwa to! Hinahabol kami. Di naman sa hindi ako sanay. Kung tutuusin, madalas ko tong ginagawa kapag hinahabol ako ng mga fans ko pero iba kasi ngayon. Tumatakbo ako ngayon dahil gumawa ako ng something ridiculous. And this time, it’s different..
Cause I’m running with someone.
“Kyaaaaahhh! Bilis pa DJ. Maabutan na nila tayo. Hahahahaha!” Sabi ni Kath habang hila pa rin niya ako. Halatang ang saya talaga ni Kath.
Ilang sandali lang ay huminto na kami kasi wala ng sumusunod samin. Nahinto kami sa may park na may basketball court.
“Woaw! That was fun! Hahahaha!” I said habang hinahabol ko pa yung hininga ko. Sobrang basa ng yung uniform ko ng pawis.
“Oyy. Isuot mo to.”
Binigyan ako ni Kath ng shirt at shorts na may suspender. Meron pang cap at nerdy glass na binigay siya sakin. Nyee? Para saan to?
Binigyan ko siya ng ‘why-would-I-wear-these-trashes’ look then she rolled her eyes.
BINABASA MO ANG
CHANGED (KathNiel)
FanfictionHe met her by mistake. He wanted to change her but what if.. without him knowing.. He is the one that's being Changed by her.