changed~5

390 15 15
                                    

Kath’s POV

Pasukan na namaaaaaaan! Uggh! Tokneneng! Dagdag pasakit na naman sa buhay. Hayy.. Ilang araw na din ang nakalipas simula nung lumabas ako ulit sa TV. Nagpa-press conference kasi ang Parking five. Yeah right, alam ko na ngayon ang pangalan ng banda nila. Hahaha! Akala ko talaga dati Parking lot eh. Ayun na nga, pinakilala na ko ni Dj, yup! Dj na lang tawag ko sa kanya, close na daw kami eh. Mukha nya! Close kami? Hindi kaya.

Marami akong narinig na comments pagkatapos nung interview samin gaya ng..

“Sya ba? Yuck yung girl huh!”

“Di sila bagay ni Papa Daniel ko.”

“Mahirap lang sya? Baka naman pera lang habol nyan kay Daniel.”

Like duuuhh? Ako pa ngayon ang naghahabol sa pinapapantasyahan nila? Kamote! Nagagaya na tuloy ako kay Katy magsalita, ang arte!

Pero sa kabila ng mga yon, may naririnig din ako na bagay daw kami. O kaya naman, true love daw talaga ang meron sa min ni Dj kasi isang mahirap at mayaman nagkainlaban o nakahanap na daw talaga ng seseryosohin si Dj. Chuchuchucuchu! Basta marami! At wag ka, may fansclub na nga kami eh, KathNiel. Wahahaha! Bongga!

Sa nagdaang araw, halos lagi ko lang kasama ang P5., nakilala ko na nga sila personally eh. Si Lester na sobrang maloko. Si JC na napakatahimik at mahal na mahal ang girlfriend nya na si Chady. Si Katsumi na napakaseryoso. At oo nga pala, nagsorry na ko sa kanya. sinauli ko na din yung wallet nya. Tapos si Seth na babaero. Lintek yun! Halos araw-araw iba-iba ang kasamang babae. Tapos si Dj naman, ayun! Ang sungit. Akala mo laging meron.

Sa loob ng dalawang lingo, nakilala ko sila, pero alam ko, di pa lubusan.

At ngayon, papasok na ko dito sa Wilford University. School ng mga conyotiks, school ng mga mayayaman. Di ako belong dito pero no choice. Pangarap ng Nanay ko na dito ako mag-aral, kaya ayun! Tsinaga ko talaga mag-aral dito, at yun nga, naging scholar ako.

Pagpasok ko, halos lahat ng mata nasa akin. Yung mga tingin na parang naghuhusga. Bulung-bulungan..

“She’s Dj’s girlfriend?! Oh God!’

“I bet, di sila magtatagal ni Dj.”

“Siguro one week lang sila.”

“No, 3 days. Kasi one week naging kami ni Dj eh.”

“Eh kami kaya 2 days lang but okay lang, coz I tasted his lips.” Mga malalande! Haliparot! Ungas kayo! 2 weeks na nga ang nakakalipas kami pa rin “kuno” ng dj na yun eh.

Henebee?! Ang panget naman ng first day ko.

Anyway, ang course ko ay BS Psychology. Gusto ko lang magamot ang kasaltikan ng Nanay ko pati mga kapatid ko. Hindi, pwera biro. Gusto ko lang! Sobrang curious lang ako tungkol sa human minds.

Pagpasok ng classroom, umupo ako sa dulo. Kahit saan kasi ako pumunta yung mata ng mga to parang binabasa pati history ng mga ninuno ko eh. Hayy!

Simula ng klase. As usual, magpapakilala. Nung ako na yung magsasalita, biglang tumahimik lahat. Yung tipong parang gusto talaga nilang malaman lahat sa akin.

Hingang malalim.. “Kathryn Chandria Bernardo, turning 18, Tondo.” Tapos naglakad na ko. Narinig kong may mga nagreklamo sabi nung iba, ‘Yun lang ang info sayo?’ Haha! Eh sa gusto ko silang inisin eh.

Tapos may tumayo na isang babaeng umm.. may pintura sa mukha.

“So, kayo pa rin ni dj?” tinaasan pa nya ko ng kilay.

“Oo.”

“Wow! I’ve never thought magtatagal kayo. You just broke the record.” Anong record?

CHANGED (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon