"beshy, lumabas ka na diyan.. tama na ang drama mo!" sigaw ni Joving bakla mula sa labas ng kwarto ko. asar na bakla to, hilig talaga mambasag ng trip.
"leave me alone!" Madrama kong sagot sa kaniya.
"bahala ka nga diyan!" sagot niya. aba? hnd man lng ako pinilit. Lechugas na bakla yan, ang dami ko pa naman sanang baon na bigating linya mula sa mga movie at teleserye na pinapanuod ko.
haaayst! hnd pa ako nakakapag dinner pero hindi naman ako dinadalaw ng gutom. Para akong broken hearted tuloy. Grabe pala talaga ang ugali ng Lucy na yun, hindi man lng inisip ang damdamin ng ibang tao. Bwisit din tong mga luha na to, ayaw paawat! kinuha ko ang salamin ko na maliit sa bedside table. pagtingin ko sa mga mata ko as expected, Maga! tinabi ko ulit yung salamin dahil ayaw ko makita ang pagmu-mukha ko. Hindi naman nga kasi kagandahan, titingnan pa.
"Tracy my beshy.. nagtake out ako ng pagkain sa jollibee! labas ka na diyan bago pa maubos ni Jovy ang mga binili ko!!" si Shiela naman ngayon ang sumisigaw mula sa labas ng kwarto.
ano akala niya sakin, masusuhulan ng pagkain? tsk. nasaktan ako mga besh! nasak--
"may spaghetti dito at maraming fries tapos dalawang coke float para sayo!!!" sigaw niya ulit.
sige na nga. hindi ako patay gutom ha! nakakahiya lng sa mga kapitbahay namin dahil kanina pa sigaw ng sigaw ang mga beshy ko. Ako na lng ang maga-adjust.
"nasaan ang pagkain ko?" tanong ko kay Shiela pagka-bukas ko ng pintuan ng kwarto ko. Baka kasi mamaya nangga-gago lng ang gaga na to.
"tsaraaan!" sabi niya sabay taas ng dalawang plastic bag na may tatak ng jollibee. Yieeh!! kaya mahal na mahal ko ang mga beshy ko na ito eh.. wait! si Shiela lng pala. dahil ang walang hiyang Jovy ayun nakahilata sa sofa at busy sa pag-nguya.
mabilaukan ka sana!
"akin na yan, baka madali pa ng isa diyan. thank you pala!" sabi ko kay Shiela. Nginitian ko siya para ipaalam na ok lng ako. Halata kasi sa face niya ang pagaalala.
Dumeretsyo ako sa kusina naming maliit at sinimulan na ang pagkain. bigla ako ginutom ah! hahaha
"tingnan mo yang mata mo namamaga" pagalit na sabi ni jovy at umupo sa upuan sa harap ko. Inirapan ko lng siya.
"aba! aba! wag mo kong iniikutan ng eyeballs Tracy.." sita niya sakin na parang si mama.
waaahhh! namiss ko tuloy bigla si mama. mag-iisang taon na nung huli ko silang nakita. oh diba? pang drama talaga ang talambuhay ni tracy ann santos.
At kung mapapansin niyo magkakasama kami ngayong tatlo, actually sa araw-araw na ginawa ng diyos pagmu-mukha ng dalawang to ang lagi kong nakikita. Magkakasama kasi kami sa isang apartment. Malayo ang province na pinang- galingan ko buti na nga lng at nakilala ko ang dalawang beshy ko dahil may kasama na ako at may mga taga-luto pa. Si mama kasi hnd ako tinuruan sa mga gawaing-bahay, pinalaki akong buhay senyorita sa probinsya kaya nahirapan tuloy ako mag-adjust.
"beshy bakit ka umiiyak? may problema ba?" nabalik ako sa masaklap na reyalidad dahil sa boses ni shiela.
kinapa ko ang pisngi ko at umiiyak nga ako.
what tha heck?? nasisiraan na ata ako ng utak. waaahh! paano na lng ang pag-aaral ko, ang mga dreams ko, hindi ko na makikita ang mga hollywood idols ko, tsaka paano na lng sila mama pag nabaliw ako. Ang laki ng ginagastos nila sa pag-aaral ko.
BINABASA MO ANG
The Cheerleader is My Suitor
ChickLitYung Player ang pinapangarap ko. Pero bakit mukhang Cheerleader ang ibibigay ni Lord ?? ******** This is what happens when a fan girl is bored. ****** Gxg??? Ata? I'm not sure. Bahala na. ????