Isang linggo na ang nakakalipas nung birthday ni lalabs. At talagang nagpatuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay ko. Dahil sa maniwala kayo o hindi, tuwing makakasalubong ko si Jake nginingitian niya ako. Nung huling practice nga nila kinawayan niya ako. Unbelievable right? hihihi!!
PERO...
...kagaya ng kadalasang kwento hindi laging masaya. Hindi always puro rainbow at unicorns na lng. Dahil darating at darating ang ating kaniya-kaniyang delubyo sa buhay. At alam niyo naman siguro kung sino ang delubyo ko right? No other than *drumrolls*
LUCY!!!!Paano ba naman mukhang natunugan ata ni Lucy ang nangyari na pagka-usap sakin ni Jake nung birthday ni lalabs. Nung una wala pa siyang ginagawa bukod sa pagtitig ng sobrang sama at pag-irap. Pero napansin niya ata ang simpling pagkaway-kaway at ngiti ni Jake sakin. Tuwing may practice kasi sila Jake hindi lng ako ang always present maging si Lucy andun din kasama ang dalawa niya ring beshy na sila Jane at Janice. Hindi naman sila dapat nandun kasi hindi sa gymnasium ang practice area ng mga Cheerleader. Pero talagang kinareer na ni Lucy ang pagbabantay kay Jake dahil imbis na mag-practice ng mga stants nila sa Cheerleading mas inuuna pa niya ang pag-bakod kay Jake at sinisigurado talaga niya na walang makakalapit kay Jake na fan girl or fan boy.
Dahil sa unti-unting pagbait ni Jake sakin nakuha ko lalo ang atensyon ni Lucy. Napikon na talaga siya sakin at talagang masama iyon. Nitong mga nakaraang araw palagi na akong binubully ni Lucy. Minsan sinasadya niya ata na mag-salubong ang landas namin sa pathway at pasimpli niya akong binabangga. At dahil dakilang lampa ako, hindi ko na lng pinapatulan at hinahayaan ko na lng siya.
Pero ngayong araw nag-level up na ang pangbu-bully ni Lucy sakin.
Kanina nasa library ako at busy sa paghahanap ng libro ng biglang magpakita sila Lucy at ang dalawa niyang beshy. Dahil sa nasa dulo kami banda at walang masyadong tao ngayon dito sa library kaya walang nakaka-kita samin..
Pinagtatapon at ginulo lng naman nilang tatlo ang mga libro sa shelves. akala ko nung una nababaliw na silang tatlo dahil nagtatawanan pa sila habang binabagsak ang mga libro. Napa sign of the cross pa nga ako. Pero yun pala may binabalak sila.
Narinig ng librarian ang ingay na gawa nila at ng pumunta ang librarian sa pwesto namin, galit na galit nitong tinanong kung sino ang salbaheng nagkalat ng mga libro.. AKO lng naman ang tinuro nila.
"Bakit mo ginulo ang mga libro? may ideya ka ba kung gaano kahirap ayusin ang mga yan?!!" galit na galit na sigaw sakin ni librarian. Yung tatlo naman mga naka-ngisi, palibhasa nasa likod sila ng librarian at hnd sila nito nakikita.
"pero ma'am.. hi-hindi po ako ang may gawa niyan!" tanggi ko.
"eh sino ang may gawa nito?? ha?!!" sigaw niya at tiningnan sila Lucy. biglang naging maamo na parang tupa ang mukha ng tatlo. Iba din!!
"siya ang may gawa niyan!" si Jane at tinuro ako.
"Ano?!! wala akong-" naputol ang sasabihin ko dahil...
"Kukuha lng sana kami ng libro pero bigla na lng siya nagalit at pinagbabato niya na kami ng libro. Muntik pa nga kaming tamaan eh!" si Janice na umarti pa talagang parang takot na takot. pwede na silang maging artista! Tsaka bakit ko naman sila babatuhin ng mga libro? Kung babatuhin ko sila, kutsilyo na ang ibabato ko sa kanila.
"teka.. himala naman ata at napadpad kayong tatlo dito Lucy sa librarian. Kayo ba ay nagsasabi ng totoo?" nabuhayan ako ng loob sa sinabi ng librarian kila Lucy. Tama naman kasi, ano ba naman ang gagawin nilang mga brat na cheerleader dito sa library? Tsk. Tsk.
"So, sinasabi mo ba na sinungaling kami? Atsaka bawal ba kaming pumunta dito sa library ha?" malditang sabi ni lucy sa librarian. Mukhang natakot naman ang librarian kaya hnd na niya kinuwestiyon sila Lucy at ako na lng ang sinisi niya.
Yan tayo eh!
Inutusan ako ng librarian na ayusin ang mga libro na kinalat ko Daw! Pag-alis ng librarian ngiting tagumpay ang tatlo at
pinagsisipa pa nila ang ilang libro bago umalis.Hindi na ako nag-reklamo pa dahil wala rin akong magagawa. Kung yung librarian nga takot kay Lucy, ako pa kaya eh isa lng naman akong hamak na scholar sa school na ito samantalang si Lucy anak mayaman. Isa sa sponsor ng school namin ang ama ni Lucy
kaya nagrereyna-reynahan siya dito sa school.Sinimulan ko na ang pagaayos ng libro. Binalik ko ang mga ito sa shelves. hayst! tama nga ang librarian kanina, mahirap
ngang ayusin ang mga libro na to.Naiinis siguro kayo sakin? don't worry the feeling is mutual. dahil ako rin mga beshy naiinis na rin ako sa sarili ko
dahil palagi na lng ako walang magawa sa mga bully na yun. Pero ok na to, kesa mapaalis ako dito sa school. Hindi ko
na lng papansinin ang mga kagagahan ng isip-batang si Lucy na yun.Busy ako sa pag-pulot ng mga libro ng maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito.
*one text message received*
Nag-text ang Jovy. Tinatanong kung nasaan na ako. tiningnan ko kung anong oras na.. pambihira 4:15 na pala!
*what do you mean!! when you nod your head yes but you wanna say no...* <ringtone ko ho yan. hehe>
si Shiela tumatawag.
Sinagot ko ang tawag niya at ni-loud speaker dahil busy ako sa pagaayos ng mga libro.
"hello beshy? asan ka na?" tanong niya mula sa kabilang linya.
"ahmm..mauna na kayong umuwi mga beshy" sagot ko sa kaniya.
"ha? bakit?" tanong niya ulit.
"ano kasi.. may.. may gagawin pa ako eh" pagsi-sinungaling ko. Sana maniwala ang beshy ko.
"at ano naman ang gagawin mo?!" parang nanay na tanong ni shiela.
"Project po nay. Bye!!" pinatay ko na ang tawag dahil baka magtanong pa ng magtanong si beshy.
Hindi ko na lng siguro sasabihin kila beshy ang mga nangyayari sakin ngayon dahil kahit takot ang mga yun kay Lucy pag-nalamn nila ang ginagawa ni Lucy sakin siguradong susugurin nila ang bully na cheerleader na yun. At ayaw kong mang-yari yun.
Tumawag ulit si Shiela pero hnd ko na ito sinagot.
"sorry beshies! ayaw ko kayong madamay sa mga kalokohan ni Lucy" bulong ko sa sarili ko.
"ang bait mo naman pala masyado."
may nagsa-salita ba? guni-guni ko lng siguro yun.
*pulot ng libro*
*lagay sa shelves*
"at pumapayag ka lng na apihin ni Lucy"
"oh my god! h-hello? may mu-multo ba d-diyan?" kinakabahan kong tanong.
minsan shunga-shunga din talaga ako. paano kung sumagot yun ng 'oo'! huhuhu!
Tumingin ako sa paligid umaasa na may tao akong makikita. Jusko! sana maisipan ng librarian na puntahan ako dito..
"tsk. idiot." sabi nito muli.
eh???
****
Good night 😘
BINABASA MO ANG
The Cheerleader is My Suitor
Genç Kız EdebiyatıYung Player ang pinapangarap ko. Pero bakit mukhang Cheerleader ang ibibigay ni Lord ?? ******** This is what happens when a fan girl is bored. ****** Gxg??? Ata? I'm not sure. Bahala na. ????