Dear Jisoos my Savior, sana wala ang mga echosera kong kaibigan ngayon dito sa apartment! Pleaseee!
Lahat ng pwedeng pag dasalan at lahat ng santong kilala ko dinasalan ko na, na sana wala ang mga kaibigan ko ngayon dito sa apartment dahil ayokong magera ng mga tanong nila. Pakshet! Hindi lng naman ako umuwi kagabe at ang masakit pa.... Urgh! No! Baka panaginip ko lng yun! Hindi pwede! Aaaaahh!
Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan ng apartment.... Oops, mukhang wala nga ang mga kaibigan ko.
Thank you sa mga santong gumabay sakin!
"At saan ka natulog kagabi????!!!! Hah??!!"
"Ay tanginang bakla!" Sigaw ko habang naka-hawak sa dibdid ko. Grabe naman kasi si Jovy kung maka-sigaw.
"Aba't Gaga ka, minura mo pa ako." Sabi ni Jovy at hinila ng very slight ang buhok ko.
"Aray beshy!" Sabi ko sabay paawa.
"Hay nako! Umayos ka nga!" Utos ni Shiela... "Saan ka galing?" Tanong niya na hindi ko sinagot. Anong sasabihin ko, eh maski ako lutang pa.
"Hoy, saan ka kako galing? Hanap kami ng hanap sayo kagabi pero wala ka namin makita. Akala namin nauna ka ng umuwi. Aba't gaga ka! Wala ka pa pala dito!!!" At nag-simula na ang nanay Shiela ko... Grabe!
"Beshy... Patulugin niyo muna ako. Parang awa niyo na!" Sabi ko sa kanila.
"Wow! Bakit hindi ka ba natulog kagabi? So anong ginawa mo magdamag ha? Saan ka ba kasi galing?!!" Naka-sigaw na sabi ni Shiela. Tumingin ako kay Jovy at binigyan siya ng paawa look pero kibit balikat lng ang gaga.
"Oh gahd!!! Ouch! Ang sakit ng ulo ko. Huhu! Aray aray! Sandali beshy... Nahihilo ako..." Madrama kong sabi at dali-daling pumasok sa kwarto ko.
"Hoy hoy! Akala mo maniniwala ako sa kadramahan mo!" Si Shiela. Ni-lock ko agad ang pintuan para hindi na sila maka-pasok. Kailangan ko ng pahinga at hindi makakatulong ang bunganga ni Shiela sakin.
"Ahhh... Sa wakas." Sabi ko pagkahiga sa aking mahal na higaan.
Pinikit ko ang mga mata ko para sana matulog pero bigla na naman pumasok sa isip ko yung nangyari kagabi. Tsk, nangyari ba talaga yun? Hayst!
Nanaginip ata ako kagabi na may hinalikan ako. Shet! Hindi ko kayang gawin yun mga beshywap kaya I know na hindi yun totoo!
Pero... *Napahawak ako sa labi ko* pero shet, parang totoo. Parang nararamdaman ko pa nga yung labi niya sa labi ko. Omo! Garutay ka talaga Tracy! I hate myself!
Pag gising ko kanina dun sa kwarto na tinulugan ko, Wala naman akong katabi ako lng mag-isa dun sa kwarto. Kaya umalis na ako agad. At mukhang hindi lng ako ang nalasing kagabi dahil pag labas ko ng kwarto may makikita kang mga taong tulog kung saan saan. Sa sofa, sa sahig. Jusko! Buti pa ako, naka-kama at naka-aircon pa dun sa kwarto. Haha!
Nahinto ako sa pagiisip nang marinig kong parang nabuksan ang pintuan. At pagtingin ko nakabukas na ang pinto at nakapasok na ang mga walang hiya kong kaibigan.
"Paanong?!!" Hindi ko makapaniwalang sabi... Tinaas ni Jovy yung susing hawak niya. Tsk. Now I know.
"Alam mo beshy, naiintindihan namin if gusto mong mag pahinga. Pero magpaliwanag ka muna, ok? Dahil kami ang lagot sa mama mo pag may nangyari sayong masama." Sabi ni Jovy, kalmado.
Nakonsensya naman ako. Hayst.
"Oh ano? Magsalita ka diyan!" Si Shiela. Saksakan talaga ng kasungitan tong beshy ko na to.
BINABASA MO ANG
The Cheerleader is My Suitor
ChickLitYung Player ang pinapangarap ko. Pero bakit mukhang Cheerleader ang ibibigay ni Lord ?? ******** This is what happens when a fan girl is bored. ****** Gxg??? Ata? I'm not sure. Bahala na. ????