4

6.5K 169 7
                                    


"waaahh! shit na yan. sa dami ng pwedeng maka-limutan bakit ang date pa ngayon?!!" pagrereklamo ko habang naka tingin sa kalendaryo.




"bakit ba kasi beshy? anong date na ba?" nakisiksik si jovy sa pwesto ko at tiningnan ang kalendaryo.



"aaahhh! tanga! Tanga din talaga ako minsan." Nasabunutan ko na ang sarili ko dahil sa inis.



"eh? ano namang meron sa july 24?" tanong ni jovy sakin habang nakataas ang isang kilay.



"july 24?!" gulat na tanong ni shiela. Lumapit na rin siya sa pwesto namin at tiningnan kung tama ba ang date.



"hahahhahahaha! tanga ka nga tracy!" mukhang may idea si shiela sa kung ano ang meron ngayong araw. Nakuha pa talaga niyang tumawa!



"waahhh! oh gahd. huhuhhu! waahh!" ako naman naiyak na ng tuluyan dahil sa katangahan ko.



"tangna! ano bang meron at nababaliw na kayong mga may matris?!" galit na sigaw ni jovy.



Oops!



Napahinto sa pag-tawa si Shiela. Ako naman napahinto rin sa pag-iyak. Na-shock kami sa biglang pag-sigaw ni Jovy. Paano ba naman, hnd lng basta sigaw. Sumigaw lng naman siya gamit ang panlalaki niyang boses. At isa lng ibig-sabihin nun, pikon na ang walang matris. Mukhang wala nga siyang ideya sa date ngayon. As in hnd talaga niya alam na birthday ngayon ni Jake? -.-



"waaaahh! birthday ngayon ni Jake beshy.. as in jake Dela Fuente. Naman kasi eh!" Umiiyak kong sabi kay Jovy.



Binigyan niya lng ako ng bored look.



"Yun lng pala. kawawa ka naman kung ganun. Paano na yan? Mukhang wala kang gift this year?" nang-aasar niyang sabi gamit ang ipit na boses. No more manly voice? Haha!




Napasimangot ako sa pangaasar nila. Pati si Shiela nakisali na rin.



Hmp!


*ting* (may naalala XD)



"WAIT? oh fvck. yeeess! hahaha" ako naman ang tumawa sa sobrang saya. Yung dalawa napahinto sa mga mala- demonyo nilang tawa. Pumasok na ako sa kwarto ko ng may malaking ngiti.



*****



"to get the answer in this problem we will use this formula blah blah blah blah blah!" busy at ganadong-ganado ang math teacher namin sa pagtuturo. Ako naman antok na antok na dito sa upuan ko. Yung iba ko ngang classmate nakiki-oo na lng at 'yes sir' na lng sa kaniya.


haaayst! kung pwede lng sana matulog kaso may atraso na ako sa mga teacher ko sa pang-umaga dadagdagan ko pa ba ngayon. hnd na kasi kami nakapasok sa mga klase namin kaninang umaga dahil sa kadramahan at nakakalokang ganap sa buhay ko. tapos muntik pa akong malate sa first period ko ngayong hapon.



di bale isang oras at kalahati na lng uwian na rin.



"so the answer is equal to blah blah blah sskxsjwlngfrvrksblanf" lintik na math to! pag-grade 11 na ako ang kukunin ko talagang strand is yung walang math. meron ba nun? ewan. haha. sana meron.



hindi ko na pinakinggan ang mga walang kwentang pinagsasabi ng teacher ko. (Lol) tinuon ko na lng ang pansin ko sa bagay na hawak hawak ko ngayon sa loob ng bag ko.



eeeeehhhh!! enebe eng lende ke. im so eksoyted!



*1 hour and 30 damn minutes later* <insert: yung boses na ganun sa spongebob! hahaha>







"ibang klase ka talaga beshy." papuri ni jovy sakin. nginisian ko siya at kinindatan.


*wink*


bilib na naman ang beshy kong bakla sakin. Sanay na ako diyan! kung nagtataka kayo kung bakit pinupuri ako ni beshy ngayon ang dahilan lng naman ay...



haha! di ba nakalimutan ko na birthday pala ngayon ni lalabs ko? matapos ng iyak scene ko, naalala ko na may gift na pala akong nakatabi. yeah right! may nagawa na pala akong gift, last month ko pa yun nagawa.



"always ready ka talaga beshy. hahaha!" si shiela na halatang bilib na bilib sakin.



super duper level na raw kasi ang pagiging fan girl ko parang si author! LOL.




"of course! Naging star scout ako dati at girl scout naman ako hanggang ngayong high school. haha! that's the reason why beshy" umi-english na sagot ko sa kanila.



anyway, andito kami ngayon sa comfort room na para sa girls.. wag niyo na tanungin kung bakit nandito din si jovy. Alam na this! nagfe-feeling may matris ang gaga. ang akala niya ata naka-upo siya kung umihi. tsk tsk!



"4:35 pm na beshy. for sure wala ng tao dun sa locker area." pang-aaya ng mainipin na si beshy. kaya lumabas na kami at tinahak ang daan papunta sa locker area.




"paano yan mga beshy, hnd na ako ang unang nakapag-bigay ng gift kay lalabs! nasira na ang record ko. huhu" malungkot kong sabi habang walang ganang naglalakad. ang layo naman kasi ng lintik na mga lockers yan!!



"ok lng yan at least may gift ka pa rin" pagpapalakas ng loob ni shiela sakin. thanks beshy! supportive talaga ang mga beshy ko na ito.



pagkatapos ng alay-lakad namin nila beshy.. I mean ng mahabang lakaran papunta sa mga lockers. sa wakas! nakarating na rin kami. andito kami ngayong tatlo nila beshy, nakaharap sa mahiwagang locker ni lalabs. ok na sana ang lahat kaso may problema pa.



*tingin sa kaliwa (beshy shiela)*

*tingin sa kanan (beshy jovy)*



"alam niyo na ba ang nasa isip ko mga beshy????" tanong ko sa kanila.


tumango naman ang mga beshy ko.


*wide grin* wahahahaha!



here we go.



****

Nabo-bored na naman ang maharot na Author 😂😪😪 Kaya ayan! Chapter 4 is here! 💜

Sa mga nagbabasa at hmagbabasa nito (kung meron man😢) Anong say niyo? Feel free to bash me.

God bless 🌈

The Cheerleader is My SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon