Maaga kaming gumising at gumayak dahil ngayon ang simula ng event sa school. May mga darating na participants from other schools kaya naman di magkanda-ugaga ang dalawa kong kaibigan sa susuotin nila. They put too much effort for this day. As if naman na makakapang-lalaki sila, eh kami ang naka-assign sa booth namin. And speaking of that booth, err... It's terrible. I don't want to say it.
"Bilis naman mga bes!" Reklamo ko, naka-upo ako sa sofa at pinapanuod sila.
"Nakikita mo ba tong eyebags namin? Kasalanan mo to bes." Sabi ni Jovy.
Hindi kasi ako makatulog kagabi kaya binulabog ko sila. Pero syempre di ko sinabi ang dahilan kung bakit di ako makatulog. Over thinking will kill me. Not now but soon.
Inirapan ko na lang sila sa kaartihan nila. As if naman makikita siya mamaya. Pfft. I covered my mouth with my hand to keep myself from laughing. Sht.
"Oh bakit??" Sila dalawa. Inaayos na nila ang mga pang make-up nila. Salamat at natapos din sila.
"Wala wala." Sabi ko na lang at hinila na sila paalis.
***
"Kung alam ko lang. tangina yan. Aissh!" Bulong ni Jovy at sinuot na ang mascot niya. Kanina pa siya mura ng mura. Pasalamat lang at hindi siya naririnig ni Sir at ng ibang mga officer ng club. May tatlo kasing magsusuot ng mascot para sa club namin at isa siya sa mga napagkaisahan. Pasalamat kami ni Shiela dahil maninipis daw katawan namin kaya hindi kami sinali. Haha. Thanks God.
"Kawawa naman si Bakla." Sabi ni Shiela pero tumawa rin.
"We bare bears." Binasa ko ang pangalan ng booth namin at parang gusto ko ng takpan ang mukha ko sa kahihiyan. Pambata! Kainis. Magbebenta ng kung anu-ano ang booth namin at may pa-mascot pa.
"Magbibihis lang ako ha." Paalam ko kay Shiela at sa iba pa naming kasama. May color coding ang club namin kaya magpapalit ako ng tshirt. Too much kaartihan is real.
Habang naglalakad sa hallway papunta CR, di ko maiwasan ang matakot dahil walang katao-tao sa hallway ngayon. Nasa field or gymnasium ang lahat.
May narinig akong mga boses papalapit at walang iba kundi ang mga cheerleader. Mga naka-ayos sila. Malamang ang gaganda na naman nila. Papunta sila sa direksyon ko. Nakatingin ako sa kanila at di ko maintindihan sarili ko dahil parang mat hinahanap ang mga mata ko. Namalayan ko na lang na nasa harapan ko na yung iba. Yung iba nakalampas na sakin.
"You're looking for Maddielyn?" Tanong ng isa habang may nakakalokong ngiti. Sa pagkakatanda ko isa siya sa mga kasama ni Maddy nung nakaraan.
"Hindi." Sagot ko. Bakit naman ganun iniisip nito.
"The who? Lucy??" She asked again, smirking.
Nagulat ako sa tanong niya at di nakasagot agad.
"Huh? Syempre h-hindi." Umiwas ako ng tingin.
"Ohh. Ayan na pala siya..." sabi nito at tumingin sa likuran ko.
Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko. Kinakabahan ako na ewan.
![](https://img.wattpad.com/cover/118645106-288-k626227.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cheerleader is My Suitor
ChickLitYung Player ang pinapangarap ko. Pero bakit mukhang Cheerleader ang ibibigay ni Lord ?? ******** This is what happens when a fan girl is bored. ****** Gxg??? Ata? I'm not sure. Bahala na. ????