Halos manlamig ako ng biglang Paputukan si kuya nung 3 lalaki. Hindi ko manlang sila namukaan kase may suot silang mask. Nabigla ako nun kase firstime kong nakakita ng ganung pangyayari lalo na't kapatid ko ung binaril. 15 tama ng baril sa katawan ang ikinamatay nya. Wala akong nagawa, nakatingin lang ako nun, pinagmamasdan kung pano patayin ang kapatid ko. Agad agad umalis yung mga lalaki,
Hindi ko na nagawa pang humingi ng tulong, ang masama pa nito, wala kaming kasama sa bahay. Wala ang parents namin nun sa bahay.
Kaya wala talaga kong nagawa kundi iyakan ang kapatid kong nakahiga at naliligo sa sarili nyang dugo.
Bago sya mawalan ng buhay ay may sinabi sya. " M-ag palakas ka, Wag mong hahayaang mapatay ka nila, ikaw na ang bahala sa pamilya natin. M-mahal na mahal kita kapatid." -Yan ang sabi nya at tuluyan ng napapikit. Wala akong nagawa, wala akong alam sa sinasabi nya. Lahat ng sakit naramdaman ko nung oras na yun, hindi man pisikal pero emosyonal, sa loob loob ko para na kong patay. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong magpalakas, pero dahil sinabi nya, eto ginawa ko. Isa din ang pangyayaring yun kung bakit ko naisipang pumasok sa mundo ng mga Gangster. Isa ito sa dahilan kung bakit naging ganito nalang ako. Lumakas ako at tinupad ang bilin ng kapatid ko.
Walang makapagtanong sakin kung ano ba talaga ang nangyari. Parang namatay narin ako matapos ang nangyaring yun. Sabihin na nating natrauma ako ng mahigit sa 1 taon. At habang tumatagal napagisip isip kong mali ang ginagawa ko. Wala akong mapapala kung parati nalang akong magmumukmok.
Mas lalong nagalit sakin si papa dahil sa nangyari. Sinisisi nya ko sa pagkamatay ni kuya. Hindi ko alam kung ako nga ba ang dapat sisihin.
Nung mga panahon ding yun, hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko. Inalagaan nila ko.
At nagpapasalamat ako kase kahit anong taboy ang gawin ko sa kanila ay hindi parin sila umaalis sa tabi ko. Nung napagpasyahan kong gusto kong maging gangster syempre tumutol sila. Pero nung magtagal napapayag ko sila.