Nahihirapan akong huminga, Tss. Sobrang kapal na ng usok pero wala akong pakialam, kailangan kong mailigtas sina mama. Hindi sila pedeng mawala, Putaenang usok yan! Napapakinig ko pa ang sigaw ni Kean at pinababalik ako pero wala akong pakialam sa kanya, May kinalaman sya dito, yun lang ang alam ko.
Shit! Shit! Shit! Sunod sunod lang ang pagmumura ko dahil nahihirapan akong huminga, nagpunta ako sa Isa sa mga banyo para basain ang panyo na dala ko para magamit na pantaklob sa ilong ko, paso na din ang ilang bahagi ng katawan ko. Mahapdi, pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad habang sumisigaw. nakarating ako sa Kitchen at dun ko nakita sina mama at Papa na magkahawak ang kamay. Nanghina ako sa nakita ko, Hindi ko kinaya kaya napahagulgol ako. M-may tama sila ng baril. Punong puno ng dugo ang katawan nila. Parang sinaksak ako dahil sa nakikita ko. Dugo, apoy, maputla na sila, magkahawak ang mga kamay.
Bakit? Panong nangyari to? Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo lang, hindi ko alam ang gagawin ko.
Nabalik ako sa katinuan ng may mahulog na bagay malapit sakin. Agad akong napatakbo kina mama.
"Mama, papa. W-wake up. Nandito na ko oh. Diba mag babakasyon pa tayo. Wala namang ganyanan. MAMA PAPA! GUMISING KAYO JAN. ANO BA? PUTANG INA NAMAN OH! Ang layo ng binyahe ko, makita lang kayo t-tas.. . tas ganto lang ag madadatan ko." -Hindi ko na napigilan, sunod sunod tumulo yung luha ko. Tinapik ko ang Muka nila, Alam kong buhay pa sila.
"Gising na naman kayo oh." -Napayakap nalang ako sa kanila habang umiiyak. "Pano na ko kung wala kayo? Kayo lang lakas ko e, hindi ko to kayang magisa. Ma, pa, gising na kayo." -Napatingin ako kay Papa ng biglang gumalaw sya.
"P-papa, hold on. Dadalhin ko kayo sa ospital." -Agad agad ko silang itinayo, pero ambigat nila nahihirapan ako kaya napahiga ako kasama nila, niyakap ako ni papa kahit nahihirapan sya, si mama wala na. Hindi na sya humihinga. Napa tingala ako, para pigilan ang luha ko, pero traydor e patak ng patak.