"A-aaaah Tama na. Oo na, bitawan mo na ko." -Sigaw ni Ren kaya binitawan naman sya ni Leandy.
"Tae ka talaga Ren, kung nakakamatay lang ang tingin ng Gf mo, baka kanina pa kong nakabulagta dito. Tss."
Ano ba talaga ang koneksyon ng CnBlue Gang kina Leandy?
Part [02]
Ice POV.
Buti naman at dumating na tong mga to!! Ilang oras ba kong naghintay dito? Mahigit isang oras ata. -___-
Ayst?!
Hindi ko parin maintindihan ang lahat kahit na naipaliwanag na nila Mama sakin ang katotohanan, Hindi ko akalaing Sa 17 taon na nandito ako sa mundo, lahat pala yun ay kasinulingan lang. Pero ewan ko ba, hindi ko magawang magalit sa kanila, masaya parin ako kase Hindi nila ko pinabayaan kahit na nuon ay Hindi ko naramdamang mahal ako ni Papa, pero mali pala ang akala ko, ginawa nya lang un para palakasin ako Gaya ng sinabi sakin ng kuya ko bago sya mamatay. Kaya eto ako ngayon, hindi na ko natatakot kahit sino pa ang kaharap ko.
Magkasala na sa Diyos basta ang alam ko, kailangan kong mapatay ang hayup na pumatay sa kuya ko.
***
"Naman ice eeee. > · <
Ginagawa nyo kong Maid. Hooooo~Hala sige inom na. Masarap yang juice na tinimpla ko." -Sabi ni Ciara na nakangiti pa.
"Bakit kulay itim?" -Tanong ni Jerameel A.K.A. Kumatsu.
Nga naman, anong flavor yan? Parang nakakadiring inumin. (---,---)
"Wala ka kasing bilib sakin. Wooo~Bagong tuklas ko yan.
Tinuro sakin ni ate Jas. Masarap yan. Hihi." -Sila naman kanya kanya ng kuha ng baso at sabay inom.
Ako? Hindi ako kumuha, parang alam ko na yan. Ganun din si Leandy, hindi sya umiinom. Alam din nya.
Parehas talaga kami ng nasa isip nito. Parang B1 B2 lang e.
Ψ(â"€____â"€)Ψ
"May halong especial Coffee flavor. Hahaha." -Sigaw ni Ciara, sabi na e.
"PWEEEE!!" -Sabay sabay silang napabuga. Yan kase puro katakawan. -___-
"Yaah!! CIAAARAAAA!" -Sigaw ni Cm at pinahahampas si ciara ng unan.
"Next time hindi na ko titikim ng kahit anong ibigay mo. Tss." -Busangot na sabi ni Carlo A.K.A. Hashi.
"Ayst!! Hindi ka parin nagbabago. Puro ka kalokohan." -Warren A.K.A. Shitsu.