"BAKIT MO GINAWA YUN??!" -Sigaw ni Lean sakin. Tss imbis na sagutin ko ang tanong nya ay tumalikod na ko't nagsimula ng maglakad.
Wala akomg panahon pang makipag away.
Naglakad ako paalis. Magpapalamig muna ko. Yung nakamask? Hindi naman yun patay. Sa kabilang kamay ko sya binaril para mabitawan nya yung hawak nya. May tama din naman si lean, hindi naman talaga kailangang pumatay, pero sa tuwing naiisip ko yung araw na namatay ang kapatid ko ng harap harapan hindi ko mapigilan ang sarili ko na patayin ang lahat ng nagtatangkang paslangin ang buhay ko o buhay ng pamilya ko. Masisisi nyo ba ko kung ganun nalang ang naging reaksyon ko. Ayaw ko lang mapahamak kaya mas gugustuhin ko ng unahan sila.
Hindi ko namalayan nasa tapat na pala ko ng dati naming bahay, ang lugar kung san nawalan ng saya ang pamilya ko.Ang lugar kung san nawalan ng buhay ang kapatid ko. Nsupo ako sa bato na malapit sa bahay.
Part 3.
Creation date:
----
04/09/2014
11:47 PM
Ice POV.
Wala akong ginawa kundi maupo dito sa harap ng bahay namin date. Iniisip ko kung pano kaya kung hindi namatay si kuya, magiging simple lang kaya ang buhay ko? Sasaya kaya ako? Mamahalin kaya ako ng sarili kong ama? Lahat ng nangyari ngayon ay dahil sa pagkawala ni kuya. Hindi ko aakalaing mangyayari yun.
Wala din akong alam kung anong rason nung mga pumatay kay kuya, Its been 5 years since my brother gone.
Pero hanggang ngayon nandito parin yung sakit. Bakit wala akong nagawa. Bakit hinayaan kong umiyak lang sa tabi nya habang wala na syang buhay. Tanda ko pa nun. Nasa mismong tapat kami ni kuya ng bahay dahil napagpasyahan naming tumambay, since wala naman kaming magawa. Its 10:00 in the evening when suddenly 3 Guys stop in front of us. Kung ano ano ang pinaguusapan nila ni kuya pero alam ko at dama ko yung tensyon. Wala akong ginawa, nanatili lang akong nakahawak sa laylayan ng damit ng kuya ko. Napakinig kong sinabi nung lalaki na kailangan ni kuyang ibigay agad agad para wala ng gulo. Hindi ko maintindihan kung ano ba yung dapat ibigay.