"Anak!! May kailangan kang malaman." -Sabi ni Mama, Here read this. Jan mo malalaman lahat.
" -Amputcha naman, dami pang kaek ekang nalalaman.
Kinuha ko yung envelop at binuksan. Si mama naman,
Tss andrama bigla nalang umiyak. Ano bang problema nya at kailangan pangmagdrama. (=.=)
Binasa ko yung laman ng envelop A-at~ H-hindi!!!
"M-mama, A-no to?" -Tanong ko agad, nabitawan ko yung papel na binabasa ko.
B-bakit? P-paanong? Ma paanong nangyari to?" -Lumapit naman agad sakin si mama at niyakap ako.
"Sssh. Hindi kita iiwan anak, kaya natin to ok. Kaya mo yan. Kakayanin mo. Pangako mo sakin lalaban ka, lalaban tayo."
H-hindi, hindi nangyayari to. Bakit ako pa? Bakit ako pa ang nagkasakit ng ganto?
"M-ma, malakas naman ako e. Hindi yan totoo. Wala akong
B-BRAIN TUMOR. MAMA WALA AKONG SAKIT!! Mali yan! Tara sa ospital kahit magpaTest ako ng ilang beses, mali yan. Wag naman ganto, kung binobiro nyo lang ako sige panalo na kayo. Siguro pakana na naman to ni Angela no??! Gusto nyang magfreak out ako!! Oo, ma,
Sabihin mong hindi to totoo. ANO BA HINDI MO BA KO NARIRINIG? MALI NGA YAN! PUT*NGIN* NAMANG BUHAY TO."-Iyak lang ako ng iyak. Ayoko, wala namang sumasakit sakin e. Wala naman akong nararamdamang kakaiba e.
"A-ayoko mang maniwala pero totoo yan anak. Nung araw na Naospital ka dahil sa sabi mo nahihilo ka ay dahil may Brain Tumor ka. Madalas sumakit ang ulo mo, alam kong alam mo yan. Anak kaya mo yan ah. Andito lang si Mama." -Hindi ko kaya, parang hindi ko alam kung makakaya ko to.
Kaya pala! Kaya pala halos mamatay ako sa sakit ng ulo ko. Dahil sa pesteng brain tumor na yan.
"HINDI!! Hindi nga yan totoo. Bahala ka kung anong gusto mong paniwalaan, basta Wala akong sakit!" -Umiiyak ako, hindi ako mahinang babae pero bakit ngayon, ganto na. Parang isang iglap nawala lahat ng lakas ko, Lord wag naman ako. Ayaw ko pa. Hindi pa pwede. Kailangan ko pang mabuhay ng matagal, kailangan pa ko ni Ice, Hindi ko sya pedeng iwan.
Tumakbo ako palabas ng bahay na yun. Iniwan ko si mama na umiiyak gaya ko.