Chapter V

6.8K 233 31
                                    


"AKALA KO ba... may kasunduan? Dalawang linggo ang sabi mo pero isang araw pa lang kami rito, pinapaalis mo na kami?"Nakatayo siya sa harap ng television habang nakapamaiwang sa 'kin. Great.

Napahilamos na lang ako ng mukha habang nakaupo sa sofa nang marinig ko ang katwiran niya. I faced her after telling myself to calm and spoke, "Ang ingay ng mga aso kapag naghaharutan kayo. Kapag dumudumi naman, mabaho. Alam mo bang mahal ang tiles ng dinning area? Alam mo bang malaking responsibilidad ang pag-aalaga ng hayop?!" At malaking responsibilidad ding panatilihing hindi ko dapat naririnig ang mga tawa niya, hindi rin dapat siya nagdadamit ng maninipis at maiikli na parang wala lang sa kaniya na makita ko ang balat niya. Hindi ako makatulog dahil nagiging responsibilidad siya, responsibilidad na isipin, na alalahanin gabi-gabi...

"Matagal ko na silang kilala kaya alam ko naman ang dapat kong gawin." I saw how hesitant her voice because I raised mine.

"Alam mo ba? Wala ka dito dapat ngayon. Hindi dapat kita pinayagan pero ewan. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan din ako. Pinapagulo mo ang isip ko." My eyes pierced to hers like I wanted it to go straight to her soul. "At hindi ko na 'yon nagugustuhan. You might cause me arrhythmia," I murmured under my breath.

"Alam mo, Kuya Zac? Ang labo mo rin. Gumawa ka pa nga ng deal tapos pinapaalis mo na 'ko," she avered.

"Enjoy ba rito? Gusto mo rito?" I invoked after I gave her a smirk.

"Hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita mo. Maayos kami rito at wala naman akong nakikitang m-masama. Wala kaming ginagawang h-hindi tama. Oo, nakikitira lang kami pero parang mali na bigla-bigla mo na lang kaming pinapalayas," pagpupumilit niya pa.

I smiled with annoyance. "Fine. Bukas. Bukas dapat wala-"

"Wow! Adik lang a! Sige! Sige! Ngayon na. Pinapatagal pa e!" Padabog siya lumakad papunta sa original dinning area. Mukhang nainis na nga siya at kanina pa nagtitimpi.

Napakunot-noo ako sa pag-alis niya sa harapan ko kaya mabilis akong tumayo at sinundan siya.

Naabutan ko siyang kinakaladkad ang maleta na ako mismo ang nagbigay sa kaniya. When our eyes met, she stopped. Pinaningkitan ko siya ng mga mata at napansin kong napalunok siya.

Ibinaba ko ang tingin ko sa dala niya at nang ibalik ko sa kaniya ang tingin ko, nandilim ang mga mata niya. She suddenly realized what I was looking at. She sniggered then she threw the luggage.

"Penge na lang pala plastik para sa tatlong damit na dinala ko rito," alanganin niyang utos sa 'kin pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

Bagsak ang balikat niyang pumasok ulit sa kusina kung nasaan ako pero nilampasan niya 'ko. Dire-diretso siyang naglakad na parang zombie pero si Milo at Bacon ay kakawag-kawag lang ang buntot sa dating dinning area.

Napailing-iling na lang ako at sinundn siyang papalabas na ng bahay. "Aalis ka na lang agad? Sigurado ka na?" I uttered.

She stopped from walking towards the door. "Hindi po ba kayo ang nagsabi na umalis na 'ko?"

"Oo pero..." The bell saved me. It rang as I lost words for reasoning about my arguing thought of letting her leave over letting her stay.

I'm a man of my words but I never tolerated shit. Still clueless of how I was stuck in this situation.

Natigilan din siya sa narinig na doorbell kaya ako na ang naglakad para buksan ang pinto. I smelled her amber scent as I walked across her. Napailing na lang ako nang maisip na parang pamilyar ang amoy na 'yon. That perfume reminded me of her.

Favorite OblivionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon