Chapter XIII

6.9K 180 22
                                    


"ALIRA, BA'T hindi ka pa rin kumakain? Nandiyan na ang paborito mong hipon. Ipinagluto ka na ni Mama."

Mabilis bumaba ang tingin ko sa nakayukom kong mga kamay sa ilalim ng mesa, nakapatong sa kandungan ko. My neck felt heavy so it bent down. Ang weird sa pakiramdam, yung parang manhid ka na nasasaktan ka.

I smiled with the thought of neglecting my decisions. Hindi ko kasi alam kung tama bang umuwi pa ako. But I needed to even if I never wanted to. Panahon na para harapin ko yung totoong solusyon para hindi na ako mahirapang itago ang lahat.

Ngumiti ako bago iangat ang ulo matapos ang ilang segundo. I looked at them and their faces seemed like waiting for my response "Kain na rin po kayo, Ma," I said to encourage them. Hinawakan ko na ang utensils at akma susubo nang pigilan ni Papa ang kamay ko.

He was continuously shaking his head as I faced him. "Angela, Anak, 'wag," tutol niya. "Bawal ka sa hipon," he whispered clearly but that statement still passed through Mama.

"Anong bawal? Paborito 'yan ng anak ko! Special pa 'yang ginawa ko para sa kaniya!" pilit pa ni Mama.

I gulped with the reality I have here in my family. That Ate Alira will always be the center of this. I may feel some envy but that didn't change the fact that she's my ate and I will always love her. I even admire her, she's my idol.

Ano nga bang papel ko sa bahay na 'to? Sino nga ba ako sa bahay na 'to? I was not even their second choice because I was not part of the choices even if I was the only spare. Nakakadurog isipin na hindi lalaki ang dahilan ng pagkawakas ko, kung hindi yung trato sa 'kin ni Mama.

I wiped the tears on my cheeks. Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako habang nakaiwas ng tingin sa kanila. After trying to control my emotions, I looked at Papa. "Hindi na po ba ulit nadala sa ospital si Mama? Akala ko po umiinom siya ng gamot?"

Bago pa makasagot si Papa, mabilis na nahawakan ni Mama ang baso saka ibinato 'yon sa pader. Napahinto kami nang marinig namin ang pagkabasag noon.

"Asan ba si Alira? Siya ang kailangan ko." Mama cried helplessly. "Ang paborito kong anak," she even uttered.

Bata pa lang kami, mulat na ako sa ganitong trato kaya hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan pa rin ako. Iniisip ko na sana ampon na lang ako para mas tanggap ko ang kalagayan ko. Kaso hindi e. Nanggaling ako kay Mama. Siya ang totoo kong ina. Iba lang talaga ang tingin niya sa 'kin. Late nagbuntis si Mama kaya maaga siyang nagka-dementia at kahit may mga bagay na siyang nakakalimutan, si Ate Alira pa rin ang mukhang bibig niya. At ako, mukhang tuluyan niya na akong nakalimutan. I scoffed with that idea. Wala na nga akong puwang sa puso niya, wala na rin ako sa alaala niya.

I felt Papa's hand on my shoulder. "Pumasok ka na muna sa kwarto para makapagpahinga. Ako na ang bahala," he assured me.

Tumango na lang ako at sinunod si Papa. Nang buksan ko ang pinto ng kwarto, napatigil ako. Picture frame kasi ang unang bumungad sa 'kin. Kami ni Ate Alira, parehong nakangiti.

I immediately locked the door and ran towards the picture frame. Niyapos ko 'yon. I even felt its hardness on my chest but I didn't mind.

Mas masakit pa rin sa pakiramdam na wala na yung taong kakampi ko kahit na siya yung nagsisilbing kompetensya ko rin. Na kahit na ang lahat ng tao sinasabing lagpasan ko si Ate, hangaan lang siya at tingalain ang nagagawa ko. Sa lahat ng bagay lamang siya sa 'kin pero napakamapagkumbaba niya. Sa isang bagay lang naman kami nag-away.

Kapag si Zac na ang usapan...

I faced our picture and traced her smile while reminiscing all the stunts I made just to get close and live in Zac's house. Sa lahat ng pinagdaanan ko, isa lang naman ang inisip ko... kung kinaya ni Ate, dapat kaya ko rin.

Favorite OblivionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon