Chapter XII

6K 199 50
                                    

MY SHOULDERS fell when the lock of the last first aid kit clicked. Tapos na ang pag-aayos ng mga extra toiletries, accessories, at gears. Si Carl and Phoebe naman ang nag-asikaso sa mga medicine supplies at drug guides samantalang si Grant ang bahala sa diagnostic kits. I looked at everyone else in the auditorium and saw that they were all cooperating for this medical mission.

Napalingon ako nang makita ang isang nurse na parang nahihirapan mag-tally sa ibang equipment na dadalhin namin sa Sitio Santa Rosa. I walked towards her. "You, good?"

Napakamot siya sa tainga. "Doc, kanina ko pa binibilang yung mga syringe na nai-pack na po kanina pero mali pa rin," she explained.

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa box ng syringe. "Try to check the records at storage room. Baka nagmali ka ng box na nabitbit. Sino ba ang nagbuhat ng mga 'to?"

"Si Doc Giligans po," she answered with hesitation.

I bobbed my head and looked for Grant. Mabilis ko siyang nilapitan nang mahanap siya ng mga mata ko. "Grant." Tinapik ko siya. I was about to tell him his duties but I stunned upon seeing his eyes. "Okay ka lang?"

He seemed fidgeting. "Stormy is sick. I need to go home," he stammered.

Tinapak ko ang balikat niya at tumango. "Sakto naman. Papunta na si Dax. He'll be the sub." I forced a smile because I knew he's worried. Lahat dinadaan ni Grant sa biro pero hindi kay Stormy. He even value Stormy more his own life.

Tumango na lang siya at mabilis nang naglakad paalis ng auditorium. Right in time, after seconds, si Dax naman ang dumating na punas nang punas ng pawis. Kasunod niyang pumasok si... Grace?

Naglakad ako papunta sa pinto at sinalubong naman ako ni Dax. Iiling-iling siya habang nakangiti sa 'kin. "Zac, turuan mo ng manners yung babaeng 'yon. Nasaan na ba ang kuya nito? Hindi ko matantsa ang kaartehan. Maganda sana kaso wala ring proper hygiene," he snorted.

Napakunot-noo ako. Itatanong ko pa lang sana ang nangyari nang mabilis namang kinuha ni Grace ang atensyon ko. "I-Isaac! Sorry, late ako. Ano pa bang maitutulong ko?" she inquired. In her beautifully elegant physique, she sneered as she tucked her hair at the back of her ear.

Different to what Dax said, iba ang concern ni Grace sa 'kin. Mukhang wala siyang paki sa kung ano man ang nangyari bago sila makapasok dito. Napatango na lang ako.

"Nice timing. Umalis si Grant kaya walang mag-aasikaso ng mga naiwan niya. Kayo na ang bahala roon. Dax, guide Grace," I instructed.

"Kami?" they said in chorus which made me chortle.

"Sana si Dax na lang ang umalis tapos yung Grant na lang nakasama ko," Grace complained as she rolled her eyes.

"Hah! Kapag nakilala mo si Grant, ako ang pipiliin mo. Sutil at mayabang 'yon," Dax claimed. Nagsisimula na naman sila.

"And you ha? Nahiya naman ako sa masungit, entitled at clean freak na katulad mo!" Grace rebutted.

"Don't waste time. Work together," I intervened in a very subtle way. Natahimik sila at tumango. I grinned because of the way they look to each other and left them to have quality time.

Napailing na lang ako habang naglalakad papunta sa ibang station para i-check ang supplies. "Hindi ko alam kung bakit hindi naging magkasundo kahit sa iisang bagay si Grace at Dax," banggit ko nang makatabi ko na si Carl na nagpapahinga kasama si Phoebe. "Baka magka-develop-an," I added.

"Sa ayaw aso't pusa nila? Imposible. Baka mas posible pang maghiwalay kami ni Carl kaysa magkatuluyan sila," Phoebe resisted then she tapped Carl's shoulder for approval.

Carl just nodded while looking at her sister, exaggeratingly annoyed beside Dax.

"BLUMENTRITT, stop over naman for food! Bago mag-TPLex na ang susunod na stop over sa gasoline station for restroom! Bumaba na muna yung mga gustong bumili!" Phoebe announced. Nang patayin ni Carl ang makina, nagsibabaan na kami.

We used my car but Carl insisted to drive it first. Kapag pabalik na, ako na lang daw ang magmaneho. Kung kailangan pagod na ako? Mautak talaga si Condez.

Kung si Carl ang nasa driver's seat, si Phoebe naman ang nasa shotgun. Sa passengers' seat naman kaming tatlo nina Grace at Dax. Nasa dulo ako dahil gusto kong magpahinga. Si Grace naman ang nasa gitna at sa kabilang dulo si Dax, siksik na siksik sa pinto dahil ayaw madikit kay Grace. Ang gulo nila pero nakatulog pa rin naman ako hanggang sa huminto nga ang kotse rito.

I finished earlier than them so I had a chance to roam around. Bumili lang kasi ako ng gums and sweets para hindi kami antukin sa biyahe at lumabas na agad.

Pero natigilan ako nang may mapansin akong familiar. This intersection seemed like I'd been here before. Retiro. Dapitan. Blumentritt.

I nuzzled my index finger as my chin rested on my thumb. Nakapunta na nga ako rito at kasama ko si... Angela.

Right! Dito naman kinuha ang dalawang aso. Sa bahay na may maliit na bakery!

I walked towards the side street and looked for the familiar tarpaulin in front of the bakery and when I saw it, I stopped. Dito 'yon e. Sa bahay na 'to mismo.

I gulped and saw two wagging tails. I sneered when I confirmed the familiar dogs. They're Bacon and Milo. Paulit-ulit nila akong tinahol at nang hindi na makapagpigil, nang ibaba ko ang sarili ko ay dinamba na nila ako. I caressed their soft furs. Ngayon lang yata ako natuwa sa mga asong 'to. Mahigit isang linggo lang pero ngayon ko na-realize na gusto ko pala yung presence nila.

I sighed when I remember one person that made my heart genuinely flattered. Napangiti pa ako nang maisip ko kung nasaan na siya kaya tumayo ako at akmang lalapit na sa pinto nang mapatigil ako.

I questioned myself. Why am I doing this? What is the point? How am I going to ask her questions that I'm not even prepared for? Shit.

But on the other hand, no. I'm not doing the same thing and regret this forever. I can't walk away and let this chance fleet just because I have no courage.

Kahit makita ko man lang siya, malaking bagay na 'yon.

So when I made up my mind, I stood up and sighed. I lifted my right foot to start walking forward when someone called me.

"Zac..."

Dahil sobrang focus ako, hindi ko nabosesan ang tumawag sa 'kin pero sigurado akong babae 'yon. A sweet calming voice but there's elegance in her tone.

To confirm it, I turned to her. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang bumungad sa 'kin ang hindi inaasahang lungkot sa mga mata niya kahit nakangiti siya.

"Javi," I called her.

Instead of greeting me excitedly like the usual, Javi gave me a straight forward statement as if she knew my intention here.

"Wala si Angela rito," she announced.

Favorite OblivionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon