Kabanata 8

254 17 17
                                    

The following week, there was tension inside the Gatmaitan household. It was between Doña Leonora and the servants. Of course, the head of the house got involved as well. May bagay na ibinintang ang Doña sa mga kasambahay at ang Don naman ay ipinagtanggol ang mga ito dahil wala pa namang ebidensya.

On a Wednesday morning before they went to church, Doña Leonora found rolled tabako leaves scattered all over their bed. Agad nitong pinatawag ang mga kasambahay at tinanong kung sino ang nagkalat ng mga iyon. No one admitted which made the Doña angrier.

"Walang aamin sa inyo?" galit niyang tanong habang nasa sala at nasa harapan ng mga kasambahay. "Pwes, walang makakakain sa inyo mamaya!"

"Ngunit Señora, lahat naman po kami ay may kanya-kanyang inaasikaso kanina. Imposible ho na kami ang siyang nagkalat!" ani Choleng.

"At isa pa ho, ano naman ang aming dahilan at kami pa ay magkakalat kung wala rin naman ho kaming gagawin kung hindi ang linisin ang inyong kwarto?" wika ni Manang Mercedes.

"Hindi po kaya isang multo ang gumawa nito?" nag-aalalang tanong ni Catalina na siyang nagpagalit lalo sa Doña. Napahawak pa ito sa sariling dibdib na tila ba ay kinabahan sa naisip.

"Multo! Ano ang iyong pinagsasabi?! Isang kalokohan!" bulalas ng Doña.

Kahit na may koloreta ito sa mukha ay tila nakitaan ito ni Celestina ng pamumutla. She wondered if Doña Leonora was just pretending that she does not believe in ghosts.

"Hindi ho ba kayo'y mahilig sa pagtatabako, Señora?" seryosong tanong ni Mariano na siyang lalong nagpainit sa ulo ng Doña. Kapansin-pansin kasi ang pagpipigil ng tawa ng ibang mga kasambahay na nagsi-yukuan. Alam naman kasi ng lahat na mas mahilig manabako ang Doña kaysa sa pagnguya ng buyo.

"At ano ang nais mong iparating sa iyong katanungan?!"

"Mi Amor, ikaw ay huminahon muna," sabi ng Don habang hinahawakan ang balikat nito. "Masamang mambintang nang hindi ka pa natitiyak."

"Maria Celestina! Ikaw ba'y natitiyak na walang kinalaman dito?"
Esmeralda looked at her intently. Ngayon naman, siya ang pinagbintangan nito.

"Esmeralda, hindi nararapat na pagbintangan mo ang iyong kapatid ng ganyan," sabi ng kanilang ama rito bago pa man siyang makasagot.

"Hindi po kaya totoo ang multo?" Joaquin looked excited as he asked them. Sinamaan ito ng tingin ni Esmeralda kaya't nanahimik na lang ito.

Mabuti na lang at pinutol ng Don ang usapan. He announced that they will be late for the mass so the meeting in the living area was dismissed. Nagsibalikan na sa pagtatrabaho ang iba at si Choleng naman ay ipinasamang muli sa kanila.

---

Inantok na naman sa misa si Celestina. She listened to the entire gospel but the homily was too long which made her feel bored. Paulit-ulit kasi ang pinagsasabi ng pari ukol sa indulhensiya at kung anu-ano pang bagay na nakabisado na ata niya kahit tulog pa siya.

Unfortunately, Mariano was not with them, may inutos kasi dito ang Don sa kanilang negosyo sa may Binondo. Wala tuloy siyang matingnan na maganda pagkatapos pagurin ang mga mata sa pagtitig sa mga rebulto ng mga santo sa loob ng simbahan.

Sometimes, she also stole glances at people to keep her entertained. Mga kapit-bahay, mga kakilala ng kanyang magulang, mga kaibigan ni Esmeralda at mga kaklase ni Joaquin na may magagarang suot na nagpapakita ng katayuan nila sa buhay. May mga magkasintahan siyang napapansin na mga nagtititigan mula sa malayo. Kahit papaano ay naaliw siya sa pag-obserba sa mga ito.

Isang Dipang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon