Kabanata 9

290 19 40
                                    

Celestina found it hard to sleep during the past few nights. Gabi-gabi kasi siyang dinadalaw ng kakaibang pakiramdam at kung anu-anong iniisip kapag wala na siyang ginagawa.

How could she describe her feeling? Parang hindi siya mapakali. Was there some sort of sorcery in Mariano's smile? Para kasing pagkatapos ng gabing iyon, napagtanto na niyang hinahanap-hanap na niya ang ngiti nito. Everytime she would see him serious, she aimed to do something just to see his lips curve into a smile. Everytime he was in his very serious self and he would not talk to her that much, she would feel and think that there's something wrong. Tapos dala-dala niya iyon hanggang sa matulog siya.

Hindi ba siya masayang kasama at kausap? Hindi ba siya interesanteng tao? May nobya kayang tinatago si Mariano kaya may pagkamailap ito? Ayaw kaya siya nitong maging kaibigan?

Lahat na naisip niya. That's when she realized that her mind became odd as she suddenly became an overthinker. Hindi naman siya ganuon dati.
Hindi niya ugali ang mag-alala at mag-isip masyado. She was carefree; madalas din ay wala siyang pakialam sa iisipin ng iba.

It was as if Mariano became a challenge besides being the root cause of her odd feeling.

Isang hapon, habang nakikipaglaro siya kay Joaquin ng siklot ay napadaan si Mariano duon sa sala. Tinawag niya ito upang makipaglaro kahit saglit man lang. He doesn't look so busy so she tried inviting him.

"Kayo na lamang po ni Señorito Joaquin. Maraming salamat," sabi nito.

"Isa iyong utos, Mariano," she said while toying the pebble on her hand.

Nakita niya ang bahagyang ngiti nito sa labi, ngunit mas mukha iyong ngisi.

"Ikinalulungkot kong sabihin na may kailangan pa akong tapusin na utos ng iyong Papa kaya't hindi ko magagawa ang iyong ipinaguutos sa ngayon."

Natigil sila sa pag-uusap nang marinig na tinawag ni Esmeralda ang anak.

"Joaquin! Tama na ang paglalaro! Ika'y magpunta na ng kwarto at basahin ang iyong mga libro sapagkat bukas ay may pasok na!"

Joaquin made a face in front of her. She wanted to laugh but suppressed it. Buti hindi niya ginawa dahil sa kanya naman ito bumaling pagkatapos.

"Ano itong aking narinig? Niyayaya mong makipag-laro si Mariano gayong alam mong utusan siya dito at marami pa siyang gagawin?"

"May oras naman din na siya'y magpahinga," she answered her.

"Señora, walang dapat ipagalala. Walang masamang intensyon ang iyong kapatid at ang trabaho ko naman ang aking unang aasikasuhin." Mariano, then, excused himself which made her awfully disappointed. Wala na siyang kalaro.

Sinenyasan na niya si Joaquin na pumuntang kwarto. The kid scratched his head, obviously wanting to play more. Napa-iling-iling pa ito.

"Sa susunod muli," she whispered before running her hand through his hair. Napangiti ito bago tumayo at pumuntang kwarto kasama si Esmeralda. He watched his slim figure as he walked. Nagbibinata na talaga ito pero parang mistulang bata pa din sa kanyang paningin. Hanggang ngayon pa nga ay nakikipaglaro pa rin ito sa kanya ng siklot katulad ng dati.

Now, great, she felt so bored. Kinulong na lang niya ang sarili sa kwarto at duon niya naisipang maglakad papuntang Calle Cabildo. She delayed her plan until the next afternoon. Nagpaalam siya sa kanyang Papa ngunit hindi niya sinabi ang totoo kung saan siya pupunta. Mamaya na naman kasi ay may makarinig at magalit, baka iba pa ang isipin. Duon kasi ang lugar kung nasaan ang escuelahan na nais niyang pasukan ngunit ipinagbabawal sa kanya.

Isang Dipang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon