Tonight, the sky was pitch black. Ang kabilugan ng buwan lamang ang matatanaw rito at walang ni isang bituin ang makikitang kumikinang. Sa paniniwala ng iba, ang kawalan ng mga bituin sa langit ay isang senyales na uulan.
Oras na para umuwi, ngunit naruon pa sa labas ang isang batang lalaking hingal na hingal na, ngunit tuloy pa rin sa pagtakbo. He was used to running in bare foot but tonight, he felt himself surrendering to the pain. His body felt incredibly heavy and his knees were aching, but no— giving up as early as now was not an option. His aim was to reach the light.
Normally by this time, he should be peering at the sky from the window of their humble hut. Naiiba ang gabing ito sa mga nakaraan; nakukutuban niyang may napakasamang mangyayari.
Nang tumigil ang ilaw ay lalo pa niyang dinalian ang pagtakbo.
"Tumakas ka na! Magpakalayo-layo ka!" ang pasigaw na tinig na kanyang narinig.
Kasabay nuon ay ang malakas na putok ng isang baril. Natigil siya sa pagtakbo at napaupo sa pagkabigla. Hiningal siya lalo—hindi lamang dahil sa pagkahapo kung hindi dahil rin sa takot at pagkabalisa.
He immediately stood up and this time, he ran towards the west.
Umalingawngaw ang isa na namang putok ngunit hindi siya lumingon. Napatid siya sa ugat ng isang puno at tumama ang kanyang katawan sa isang malaking bato. He hid behind it as he knew that he could no longer run further.
Nagdasal siya ng taimtim sa isip at sa bilis ay tila maihahambing sa pagdidiliryo. As he held his silver cross-shaped scapular tightly, he felt his warm tears flowing on his cheeks.
Nakarinig siya ng ibang tunog, ang klase na hindi niya mapagtanto kung ano. Afterwhich, he heard a sound that can be equally compared to a bolo strucking a hard surface. Then, it faded. Sumilip siya at nakitang wala na doon ang ilaw.
Ramdaman niya ang pagnginig ng kanyang katawan at pagsakit ng kanyang sentido. Kasabay nuon ay ang malamig na mga patak sa kanyang tuktok at mga braso— nagsimula na ang malakas na ulan.
BINABASA MO ANG
Isang Dipang Langit
Ficción históricaMaria Celestina Gatmaitan tries to follow the social norms for women but breaks the rules whenever the opportunity arises. This leads to her near death experience where a certain Mariano saves her from an alleged tulisan. As a reward, her father g...