Celestina's eyes roamed around the humble hut's interior where Mariano resides. There were a few bamboo chairs, a rectangular table made of bamboo as well and a kitchen area with cooking utensils hanging on the wall.
Dumako ang kanyang tingin sa isang gilid kung saan naroon ang mga tambo. Kaagad niyang naisip na ito marahil ang kinabubuhay ng mga nakatira dito.
On the rightmost side of the room was a banig which serves as their bed and it is now where she was seated. Behind it was a large awning window held open by a wooden rod.
Celestina looked at her ankle. Sa kasalukuyan iyon pinapahiran ni Mariano ng langis galing sa niyog. She felt her skin tingled as he gently touched her, immediately assuming that it was all because of the pain in that area.
"Celestina, dito ka na maghapunan," yaya ni Aling Yolinda, ang babaeng pinakilala ni Mariano na kanyang ina. Earlier, the lady mentioned to her that she's his foster mother. Kung nasaan ang mga magulang ni Mariano ay wala siyang ideya. Pinigilan niya na lang din ang sarili sa pagtatanong ukol sa personal na bagay na iyon.
Kakapasok lang nito uli sa loob ng kubo kasama si Antonia, ang kaisa-isang babaeng anak nito.
"Salamat po, ngunit kailangan ko na pong umuwi. Tiyak hinahanap na po kasi ako ni Papa," sagot ni Celestina.
"Ihahatid ko po siya mamaya," Mariano said while he was currently doing a splint using branches of trees and an old cloth.
"Aling Yolinda, paano po kayo? Lalo na't... may masamang gumagala sa kagubatan..." She bit her lower lip as she started to worry for their safety. Paano kung ang mga ito naman ang siyang biktimahin ng lalaking iyon?
"Mananalig na lamang kami sa Diyos na hindi kami pababayaan," sagot nito. Celestina was amazed by the lady's faith. Bigla niyang naalala na magdasal ng pasasalamat para sa ikalawang buhay niya.
She did a quick mental prayer before Antonia stood near her.
Pinagmasdan siya nito. She gazed at her, too. Mabibilog ang mga mata nito at bilugan din ang mukha, ang buhok ay mahaba at kulot. She assumed that they are of the same age. Celestina smiled at her but she didn't smile back.Lumipat ang tingin nito sa pearl brooch niya sa kanyang pañuelo.
"Gusto mo sa iyo na lamang ito?" tanong niya bago ituro ito.
"Ayoko sa'yo! Muntik mo na ipahamak si Kuya Naning ko!" pasigaw na sabi nito na siyang ikinagulat niya.
"Toyang! Hindi ka dapat ganyang magsalita sa kanya!" saway ni Mariano.
"Isusumbong kita mamaya kay Tatay, Kuya!"
Dali-dali itong tumakbo palayo at lumabas ng bahay. Tinawag ito ng ina ngunit hindi ito pumasok sa loob. Sinundan na ito ni Aling Yolinda sa labas.
"Ipagpaumanhin mo ang sinabi ni Toyang," sabi ni Mariano. "Ganuon lamang iyon magsalita, huwag mong dibdibin sana."
"Ngunit tama naman si Toyang. Muntik ka nang mapahamak dahil sa akin. At isa pa, hindi mo naman ako kakilala para hayaan ang sariling masaktan... Nahihiya din ako sa'yo pati sa kanila. Tapos mamaya ay ihahatid mo pa ako..."
Celestina felt the guilt was creeping in. Kung mamatay siya nang dahil sa laya na nais niyang maranasan, hindi siya magsisisi. Pero kapag may ibang damay, yuon ang hindi kakayanin ng kanyang konsensya.
BINABASA MO ANG
Isang Dipang Langit
Historická literaturaMaria Celestina Gatmaitan tries to follow the social norms for women but breaks the rules whenever the opportunity arises. This leads to her near death experience where a certain Mariano saves her from an alleged tulisan. As a reward, her father g...