Kabanata 10

363 17 21
                                    

Mariano stood in front of his bed, staring at his old camisa. Isusuot na sana niya iyon nang natigil ang kanyang mga mata sa ilang tahi sa kanyang damit. Halata niyang iningatan ng dalaga ang pagsulsi nito dahil napaka-ayos ng pagkakatahi.

He felt a tinge of pain as he remembered his biological mother. Naalala niya pa ang itsura ng mga kamay nito habang sinusulsi ang mga damit niya nuon, madalas kasi niyang inoobserbahan ito.

Maliit at kulay kayumangging mga kamay, mahinhin at maingat ang pagtatahi ng butas ng kanyang damit habang parating sinasabing: "Pasensya ka na, anak, sa susunod kapag ako ay nakapag-ipon na muli ay bibilhan na kita ng bagong damit. Iyan ay isang pangako." Ang pangakong iyon ay hindi naman importante para kay Mariano. Hindi niya gusto ang magkaroon ng bagong damit dahil alam niyang dagdag gastos lang ito.

Ano kaya ang tumakbo sa isipan ni Celestina nang tinatahi nito ang mga damit niya? Ano kaya mismo ang pumasok sa isip nito at pinakealaman pa ang mga damit niya? Yuon ang mga katanungan sa isip niya pero inalis niya rin iyon agad nang oras na iyon.

He wore his camisa and took the silver scapular on his bed. Sinuot niya iyon at tinago sa ilalim ng kanyang damit. Paglabas ng kwarto ay nakita niya si Celestina na papuntang hapag. He assumed that it was dinner time already as he could already smell the aroma of adobo from the kitchen.

Celestina was clad in her baro and saya made of lighter material. Nakalugay din ang maalon-alon nitong buhok. What glorious long brown hair that seemed to have been woven by angels, it was what he always thought whenever she lets her hair fall freely over her shoulders, down her back.

She lay her eyes on him and he looked back. Yumuko siya ng kaunti bilang paggalang rito.

"Sabi ng Papa, may lakad ka raw mamaya pagkatapos ng hapunan?"

"Siya nga, Señorita. Sa aking kapatid."

Kahapon ng umaga siya nakapagpaalam at madali naman siyang pinayagan ng Don. Nag-abot pa nga ito ng pera pero hindi niya tinanggap.

Sabay silang naglakad patungong hapag at duon naghihintay ang ibang miyembro ng pamilya maliban kay Esmeralda na may lakad sa gabing iyon. Everyday he needed to endure the same feeling. He disliked being there... no, he loathed it. If only the Don does not insist that all servants would eat with them, then he would prefer to eat after the Gatmaitans would finish theirs.

Simula na ng kwentuhan pag-upo nila. Habang kumakain, nangunguna na naman ang Doña sa pagsasalita. Majority of it was about the family business and the family's future travels.
Ito ang buhay ng mayayaman, alam na yuon ni Mariano. Maraming pera kaya marami ding pwedeng lustayin sa mga bagay-bagay. Ibang-iba iyon sa kinamulatan niyang buhay.

He just kept on eating quietly, his eyes locked on his plate.

"Kumain ka pa," rinig niyang bulong ng katabi niya. It was Celestina who was currently putting more adobo on his plate. How he felt uncomfortable as the Señorita was serving him again! And there she was again, so close to him, her shoulder approximately an inch away from him that he caught a whiff of her lovely smell —it was a floral odor mixed with her own sweet scent.

Something ached inside of him but he tried to brush away the feeling.

"Tama na ito, Señorita. Maraming salamat," sabi niya dito.

Narinig niya ang usapan ng Doña ukol sa pagpuntang muli sa tindahan ng mga gamit mula sa ibang bansa. Mayroon naman negocio ang pamilya nito sa Binondo ngunit pagdating sa mga damit, may binibilhan itong sikat na tindahan. The Gatmaitans import European goods, mostly house ornaments but not exquisite clothings. Ilang beses sa isang buwan ata tumitingin ang mga ito at namimili ng damit maliban kay Celestina.

Isang Dipang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon