Kabanata 2

403 25 13
                                    

Before Don Virgilio, Esmeralda and Joaquin went to the town plaza that afternoon, Celestina thought of convincing her father again regarding the enrollment. Hindi na nga lang niya nagawa dahil agad siyang hinarangan ni Esmeralda sa naisipan niyang gawin.

"Huwag na huwag mo na uli iyon ipagpapaalam kay Papa," seryosong bungad nito pagpasok sa kanyang kwarto. Natigil siya sa pagbuburda nang marinig ang boses nito.

"Bakit? Ano bang hindi maganda duon? Ngayon na pinahintulutan ang mga kababaihan upang—"

"Huwag ka na lamang magtanong pa at sumunod ka sa sinabi ng Papa! Hindi ba't mas maganda ang may pribado kang guro? Mahusay naman si Artemio, hindi ba?"

Hindi na siya sumagot.

"At Celes, kung nais mo na namang tumakas at gumawa ng kalokohan, siguraduhin mong takpan ang iyong mukha upang hindi ka magbigay ng kahihiyan sa pamilyang ito," she told her before leaving her room.

Celestina led out a sigh. Iniwan niya ang binuburda sa lamesita na katabi ng kanyang higaan. Nagpasya na siyang magbihis upang makaalis na.

Esmeralda and their father do have a point but it is not what she wanted. Hindi naman sa ayaw niyang si Artemio ang magtuturo sa kanya. She knows that he's really a talented guy and she's even one of her friends. Gusto lang talaga niyang lumawak pa ang mga koneksyon niya at ang pag-aaral sa escuelahan ay nais niyang maranasan.

Simula nang bata pa, sa bahay na siya nag-aral. Having a private tutor is convenient, but she preferred going to one of the conventos. For some reasons unknown to her, they did not let her.

She has been almost sheltered in her entire life, na para bang ayaw siyang hayaang palabas-labas at makisalamuha masyado sa ibang tao. Kung hindi pa niya nakilala si Juliana at si Artemio ay malamang, wala na siyang naging kaibigan. They are her only friends; mga anak sila ng kaibigan ng kanyang ama.

Ngayon na lang siya talaga mas nakakalabas, lalo na tuwing nakakatakas siya. Funny how she imagined trying to be a cigarrera for a day or even a buyera. Maganda sigurong magrolyo ng mga dahon ng tabako kasama ang ibang mga kababaihan o magtinda ng mga buyo at kumausap ng mga mamimili.

Celestina sat in front of the mirror and looked at herself. She was already dressed in a simple embroidered camisa and striped black and white saya. Around her shoulders lay a pañuelo made from sinamay that was secured with her pearl brooch. She tied her waist-long brown hair in a bun and placed her simplest payneta.

Yesterday, walking in her bakya was a hassle so she chose to wear her embroidered chinellas today.

She was ready to go. Hinintay lang niya na makalayo ang mga ito saka siya umalis. She was supposed to come with them but she faked an illness. Ayaw niyang sumama lalo pa't kasama si Esmeralda. She wanted her peaceful alone time outside.

Choleng was a little worried when she told her that she's leaving. Gusto nitong sumama sa kanya.

"Malalagot ho ako nito sa Don, Señorita..."

"Kapag nagtanong si Papa, alam mo na ang sasabihin. Huwag kang mag-alala, babalik din ako agad," she assured her before leaving.

Sa labas ay naghanap siya agad ng masasakyang calesa at sinabihan ang cochero na sa malapit sa bungad ng gubat siya ibaba. It was only two minutes away from their house. Kung hindi lang din siya nagmamadali ay maglalakad na lamang siya papunta duon.

Isang Dipang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon