45 Video Message (the end)

179 4 0
                                    

Halos Tatlong taon na ang lumipas simula noong trahidya na dumating sa buhay ng bawat isa

Naisalba man ang buhay nila Aljay at Kyra ngunit kasabay din nito ay tuluyang pagkawala sa Mundo ni Deo. Masakit man sa lahat ang pagkawala nito ay tinanggap nila.

Mas malalang sakit naman ang naidulot ni Eurica sa bawat isa lalo na kay Allen. Masaya ito nang nalaman na buhay pala ito ngunit ang masaklap ay nawala din ito. Ang Masakit pa sa lahat ay sa paningin mismo ni Allen nawala ang babaeng mahal. Sa kamay niya mismo ito bumitaw at wala man lang siyang nagawa.

December na, malamig na ang panahon. Sinabayan ng malamig na panahon ang lamig ng kanyang puso. Malapit na ang kaarawan niya ngunit hindi niya feel ang mag saya sa araw na iyon dahil simula noong nawala si Yuri ay para narin siyang patay. Isang buhay ngunit patay ang puso nito nais man niyang magpakamatay sa mga panahong iyon ay hindi niya nagawa dahil sa dami ng mga taong nag mamahal at pumipigil aa kanya. Na lageng nadyan para bantayan siya.

Sumapit ang December 4, kaarawan niya. Kahit ayaw man niyang mag handa ang pamilya ay ginawa parin ng mga ito.

Kasalukuyan siyang nasa gitna ng stage sa isang sikat na restaurant, puno ng liwanag ang paligit. Gaano man ito kaliwanag ay ganoon din kadilim ang buhay niya sa araw na iyon.

"Bago natin simulan ang party ng nag iisang gwapong lalaki at Prince sa pamilya Guzman, hayaan muna mating mag bigay minsahi ang kanyang napakagandang Mommy. Si Mommy Eight Guzman" announced ng baklang emcee ng kanyang party

"To my son, Allen Matthew. Son happy birthday to you, alam kong maraming pagsubok ang dumating sa mga buhay natin dapat natin itong labanan, nais ko lang hilingin sayo na magpakatatag ka. May plano ang Dios sa iyo, sa atin.Dahil naniniwala akp son na kung may mawawala sigimuradong may dadating or should I say Babalik. I love you Son" napaangat ng tingin si Allen sa Ina na nag bigay minsahe sa kanya.

Sumunod si Bella na hinatid pa ni Tristan sa harapan ng stage habang nakaalalay dito. Nainggit siya sa kambal dahil masaya na ito sa piling ng boyfriend niya

"Happy birthday Twin. Always remember na nandito lang ako palagi para sayo. I love you Kuya hayaan mo sasaya at sasaya ka rin. Open your heart again. Love someone else '' tumulo ng kusa ang luha ni Allen sa mga mata. Hindi luha dahil sa saya kundi luha dahil sa lungkot. Lungkot dahil sa wala ang babaeng nais niyang makasama sa ganitong panahon.

Gusto niyang lapitan ang mga ito para batukan dahil para narin siyang tinu torture ng mga ito.

"Thanks" mahina niyang sabi sa kambal habang hilam  parin ang mga luha sa mga mata.

Nakita niyang umakyat si Lee at Precy. Nakita niya sa mukha ng mga ito na galing pa lamang sa iyak. Sariwa pa ang mga luha na nasa mga mata ng mga ito na kahit pinahid na ay halata parin.
Hindi niya alam kung para saan ang luha ng mga ito

***Allen POV ***

Ito iyong pinakawalang ganang birthday sa buong buhay ko. Nais ko mang yakapin sina Mommy at Bella dahil sa mga sinabi nila ngunit hindi ko magawa.

Hanggang sa umakyat sina Lee at Precy. Umiyak sila alam ko, hehe ang sayang birthday diba.

"Hi Boss, happy birthday. Pakatatag ka lang huwag mo nang isipin ang mga masasakit na alaala sanhin ng nakaraan. Move forward. Si manong taxi driver nga naka move on na, eh ikaw kailan pa kaya. may katapusan din ang lahat tandaan mo yan. Again happy birthday. I hope happy ka aa birthday mo ngayun" kahit anong pilit ni Lee na hindi maiyak ay hindi niya nagawa. Bakit kaya sila umiyak ng ganon akala ko ako lang ang malungkot sa birthday ko. Kahit may kaunti man siyang joke ay naiyak parin ito

Shy and Casanova (completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon