22

204 4 0
                                    

May mga taong dumating sa buhay natin Ngunit may mga tao rin na mawawala at bigla nalang din bumalik.  Sa kanyang pagbabalik, lahat ng hirap at sakit sa buhay mo na pinaghirapan mong mawala ay, bigla na lamang babalik. Iyong wala ka ng magagawa kundi ang harapin na naman ang nanariwang sakit ng nakaraan.

Allen POV:

Parang multo ng nakaraan lamang si Precy sa buhay ni Zeke. Pagpasok pa lamang niya ay wala ni isa sa amin ang nagsalita. Nagpaalam si Zeke pero parang stranger lang si Precy kung mag salita.

Ezekiel POV:

Kung magsalita si Winter parang wala lang aa kanya ang lahat.  Lahat ng sakit na iniwan niya sa akin.  Iniwan lang niya akong nakatiwari sa kawalan. Nangapa sa kadiliman at sinolo ang sakit sanhi ng kanyang paglisan.  Masakit. Ang sakit. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag sa kanya. Inisip siguro niya na pinaglaruan ko lang siya. Bakit ba ang hirap sa inyong mga babae ang pakinggan kami kahit ilang minuto lang!?  Iyong makapagpaliwanag naman kami kahit kaunti lang. Kahit hindi na kayo maniwala basta paipagpaliwanag lamang namin ang mga sarili namin. 

Masakit sa akin ang pag layo ni Winter sa akin ngunit, tinanggap ko na ito. At ngayung naghilom na ang mga sugat ay parang bumalik ito.

"Bakit naman ako rude huh!  Miss?"  Tanong ko sa kanya na parang hindi ko siya kilala.  "Can I know your name?"  Sabay lahad ko sa kanang kamay ko. She want a game!?  Pwes pag bibigyan ko siya

"Precy"  maikli niyang sagot at nakataas pa ang kilay. Tsk maldita na pala siya ngayun

"Ahmm Precy, what a nice name. Hindi naman ako rude na tao. Na misunderstand mo lang. " do you have a boyfriend! " sarkastikong Tanong ko sa kanya.  Sinaktan mo ako dati, binalik mo ngayun. Gantihan tayo

"Hmmm.  Dati may boyfriend ako kaya lang......  walang mudo eh. Walang isang salita. Marami ang pinangako, pero ni isa walang tinupad. How sad diba?"  Tssk hindi naman niya ako pinakinggan sa mga paliwanag ko dati ah. Kung makapagsalita parang alam niya anh dahilan ng ginawa ko

"Ah ganun ba?  Nagpaliwang ba?"  I ask

"There's no used of explaining, he already done a damage"

"Yan. Yan tayo eh. Hindi porket nasaktan kayo ng taong mahal niyo eh wala na silang karapatan na mag paliwanag. Paano ma resulba ang isang bagay kung hindi niyo pinag-uusapan"!  Hindi ko maiwasang hindi magalit sa kanya

"Para ano! Para lokohin na naman ulit ako?  Ganyan eh. Lokohan lang"  Precy

"Ah iwan ko sayo. Ang taas kasi mg pride nyong mga babae"!  Sabay talikod kong sabi. Aalis na ako baka kasi kung ano pa magawa ko sa kanya mahirap na

"Ano bang nangyari sa inyong dalawa?  Kung magsagutan kayo paranh kayo iyong nagkasakitan ah"  narinig kong sabi ni Yuri

Kung alam mo lang pinsan. Nasaktan na ako. Lumingon muna ako bago ako tululoyang lumabas. Nakasalubong ko pa sina Tita Aljay at Tito Seth

"Kamusta ang anak ko"?  Tanong ni Tito na nag-alala nang husto

"Ayos naman Tito. Nariyan siya"  sabay turo sa silid kung asan si Yuri "alis muna ako Tita. May kakausapin lang ako"  nginitian naman nila ako.

Tinatawag ko muna siya. I need to talk to her. "See me at my place. Right now!!"  Sabay baba ng phone ko

Aljay POV:

Papasok na ako sa room kung asan ang anak ko. Labis akong nag alala kaya napasugod kami ni Seth. Hindi kami agad sinabihan ni Ezekiel baka daw mas lalo kaming mag worry. Ang sarap lang sapakin ano, anak ko yun eh. Sempre mag alala ako. Minsan talaga itong pamangkin ko anh sarap punitin ang teynga.

Shy and Casanova (completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon