27

211 7 2
                                    

Authors note:  papalitan ko po ang name ng school nila. Naalala niyo bang lub-U ang nalagay ko sa mga naunang pahina. Papalitan ko ang name ng school. Pasensya na. Temporary name lang kasi yun. Peace tayo dito.

Third person POV:

Nasa malayong distance ang dalawang taong nag-uusap. Dalawang linggo na ang nakalipas nang may nangyari kina James, Ezekiel at Monarch. Simula noon may pagbabago kay Eurica naging tahimik ito. Pinipili lang ang kakausapin, hindi narin siya masyadong sumasabay sa biro ng barkada. Sabayan pa ng isang bagay na malapit na ang midterm exam nila.

"Anong plano mo boss?  Pagkatapos mong hasahin ang mga tao mo. Sino o ano bang laro ang gusto mo"  tanong ng lalaki sa kanyang boss

"Just wait Deo. Malalaman mo rin, ikaw ang gagawin kong mata at teynga ko sa bawat lakad na mayroon kayo." Nakangiting sabi nito

"Im looking forward to it boss. Hayaan mo, maaasahan mo ako" 

"Dapat lang Deo, dahil sa pagkakataong ito kung sino mang mag tatridor sa akin ay wala akong kiming bawasan ang parte ng katawan niya." 

Hindi makapagsalita si Deo dahil Kapagka ganun na ang tinig ng boss niya ay serious ito at hindi na maari pang biruin.

"So pano. Alis na muna ako, hinihintay na ako ni James"  sabay buga ng usok sa sigarilyo

"Keep your eyes on them." 
Walanh expression sa mukha na sabi nito.

"Copy that boss"

At tuluyan ng umalis ang si Deo. Batid ng boss na ito na wala na siyang pagkakamali sa panahong ito. Parusahan ang dapat parusahan sapagkat para sa kanya. Ang bawat Kasalanan ay may kabayaran.

James POV:

Hoy Deo!  Asan ka ba galing ang tagal mo. May katagpo ka na namang babae ano! "

"Paano nga kung babae James?  May magagawa ka ba?  Ha ha ha palibhasa retired ka na pala ha ha ha"

Ang sarap lang sapakin ng lalaking ito. Tinatanong nga lang ang dami ng satsat sa katawan.

"Im just asking you Deo, huwag mo akong isali sa dyan sa mga kalandian mo sa katawan"

"Biro lang. Pero totoo din yung tungkol sayo."  Nakangisi pa talaga

"Stop it kung ayaw mong masapak kita" nauna na akong sumakay sa sasakyan ko Papunta na kaming school. Ilang araw na rin ang lumipas Simula noong napalaban kami. Akala ko talaga katapusan na namin.

Ang hindi ko talaga maiwasang isipin ay kung sino ang nag ligtas sa amin. Bago kasi ako tuluyang napapikit ay may nakita akong bulto ng tao na halos lumilipad lang habang nakikipag laban sa mga nakalaban namin. Wala man lang hirap sa kayang tamaan ang mga ito sa vital side nila. Ang hindi mawala sa isip ko ay, "babae" siya hindi ko man nakita talaga na she's a girl but base sa bulto ng katawan niya ay babae talaga siya. Minsan ko nang tinanong si Ezekiel dahil alam kong hindi siya diritsang nawalan ng malay ngunit ang sabi niya lang ay. "Nahilo ka lang bro, wala na nga akong nakitang dumating para iligtas tayo" 

'Wooaah ayan na ang five handsomes " napatigil ako sa mga inisip ko ng marinig ko ang sigawan ng mga babae sa labas. Pagtingin ko sa labas halos magkasabay lang pala kaming dumating. Isa sa napag-usapan namin ay maging stick together kami. Ayaw na nila Allen at Tristan na maghihiwalay kami. Ayaw na nilang mangyari ulit ang nangyari sa amin.

"Whoaah, Tristan.!!  Akin ka nalang" silent dangerous".

Psssh, napatawa nalang ako sa tawag nila kay Tristan. Totoo naman kasi, silent but dangerous nga ito

Shy and Casanova (completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon