9

256 7 1
                                    

Sofia's POV:

Kainis naman talaga oh. Gusto ko sanang tawagin si Allen para tulungan ang kuya ko kaya lang alam kong galit at ayaw niya sa akin. Pupuntahan ko na sana sina monarch at Tristan pero paglingon ko ay nakita ko na si kuya na papalapit sa amin. Wala namang sinabi si kuya sa mga kaibigan niya kaya tumahimik nalang ako.

Sofie. Tawag ni kuya s akin sabay signal na susunod ako sa kanya. Pagdating namin sa tabing dagat ay hinarap niya ako. Malamig na kasi dahil pagabi na

Sis, please. Alam kong hindi ka nagpapasabi but please naman huwag mo kaming bigyan ng problema. Hindi tayo magkakasundo tulad ng ibang magkakapatid pero tulad ng iba ayaw kong napapahamak ka. Kaya kung ayaw mong maging criminal ako. Umiwas ka sa gulo na maging sanhi ito. Mahal kita sis, always remember that. Wala mang emosyon ang sinabi ni kuya pero ramdam kong totoo ang sinabi niya

Sorry kuya. Mahinahon kong sabi dahil alam kong kasalanan ko naman.

And please, forget Allen. Hindi ka niya mahal. Ayaw kong darating ang araw na masira ang samahan namin dahil nasasaktan ka niya. At ayaw kong nasasaktan ka. Nabigla ako sa sinabi ni kuya. Hindi ko inasahan na sabihin niya iyon

But i love him kuya.

Hindi ka niya mahal. Please huwag mong gawing kawawa ang sarili mo dahil hindi ka kaawa-awa. Pagkatapos sabihin ni kuya iyon ay uniwan na niya ako.

Paano ko kalimutan si Allen? Totoo mahal ko siya. Mahal na mahal at walang halong biro ito. Ang sakit naman hindi pa nga kami magiging broken hearted na ako. Saklap naman. Sabi ng iba, ang pag-ibig daw kasi parang pagsuot lang ng damit. Kung alam mo namang hindi kasya huwag mo nang pilitin pa dahil ikaw lang din ang masasaktan bandang huli. Wow naman o ang sakit nga.

Ano ng gagawin ko ngayun.? Basta hindi pa rin ako susuko. Alam kong hindi niya ako mahal pero paano ko makamit ang pagkapanalo ko kung hindi ako susugal sa larong nais ko. Just wait Allen. Magiging akin ka rin.

Kaya habang hindi ako napansin ng mga tao pumunta ako sa bar nh resort. Nag order ako ng beer. Oo beer lang alam kong magagalit si kuya pero ito ang gusto ko. Ngayun lang kasi ako nag mahal ng ganito tapos ito pa ang magiging kalabasan. Alam kong magagalit si kuya pero bahala na.

Third person POV:

Habang umiinom si Sofia hindi niya alam na may dalawang matang  nakatingin sa kanya. Mata na nagmamalasakit sa kanya. Kahit alam ng may-ari ng mga mata na iyon na wala siyang halaga sa taong kanyang tinitingnan sa mga oras na iyon.

Ezekiel's POV:

Asan naman kaya si Sofia. Hindi talaga nagpapasabi ang batang iyon. kahit kailan talaga ang tigas ng ulo. Oo, hindi kami magkakasundo nun pero mahal ko parin iyon. Kapatid ko iyon eh. Alam ko rin kasi na hindi siya mahal ni Allen, at kahit kaylan hindi siya mamahalin ni Allen. Alam ko iyon kase kaibigan ko siya at alam ko rin kung ano ang gusto niya. Hindi ko pa nga lang alam kung sino, dahil wala pa naman siyang pinapakilala at kapagdarating iyon, ayaw kong masaktan ang kapayid ko.

What's with the face kuya? ... tanong ni Eurica sa akin. Hindi ko man lang namalayan na nasatabi na ang babaeng ito. kahit kaylan talaga bigla nalang itong lilitaw na para bang kaboti.

Wala,. Naiisip ko lang si Sofie.

Wala daw pero may iniisip. Kaloka. What about Sofie nga pala?

She loves Allen.

Oh, ano namang problema kung mahal niya ang rude na lalaking iyon?

Hindi siya mahal ni Allen.

Paano ka naman nakakasiguro kuya?

Shy and Casanova (completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon