LWFW 1

37 4 0
                                    

Naligo ako matapos namin kumain ng agahan. Isang black t-shirt, ripped jeans at converse ang suot ko. Ginamit ko 'rin ang cap ni Bea para itago ang identity ko. Ipinusod ko ang aking natural curly brown hair na nakuha ko kay Mommy at nang masiguro kong okay na ako ay lumabas ako ng kwarto.







"Aalis ka?" Tanong ni Nanay Cora. Bakas sa mukha niya ang pag aalala.








"Opo. Makikipagkita ako kay Nikki." Sabi ko.








Kita ko ang pagdadalawang isip sa kaniya. Kaya bago pa sya magsalita ay inunahan ko na.








"Sandali lang po kaming magkikita. May ipinabili lang ako sa kaniya! Wag po kayong mag alala. Mag iingat ako."






Pagkasabi 'non ay tumango siya. Lumabas ako at naglakad patungo sa isang tindahan kung saan may Payphone.





Agad kong tinawagan si Nikki.






"Hello?"







"Niks, its me."







"Sam? Nasan ka na? Nandito na ako sa Fastfood Chain kung saan tayo magkikita. Gusto mo bang sunduin kita? Nasaan ka?"






"Wag na. Papunta na ako."







Pagkababa ko ng tawag ay sumakay na ako agad ng jeep. Mabuti na lamang at iilan lang ang sakay nito.






Nang makarating ko sa Fastfood Chain ay agad nahagip ng paningin ko si Nikki. She look so out of place sa suot niya. Nang makita nya ako ay agad syang lumapit.







"Oh my gosh! Sam!"







"Ssshh!" Awat ko sa kanya nang mapansin kong marami na ang bumaling sa amin.







"I'm sorry." Bulong niya.







Hinila ko siya sa isang table na nasa sulok.







"Nadala mo ba?" tanong ko.






Tumango sya at iniabot sa akin ang isang paper bag.







"Thank you." Sabi ko at agad tinignan ang loob ng paper bag.







"Saan ka nagsstay ngayon? Nung nakaraan nagpunta yung mga tauhan ng Dad mo sa Condo ko saka sa Bahay namin. Hinahanap ka!" Nag aalalang sabi nya.






"Kaya nga hindi ako sayo tumuloy." Simpleng sagot ko.







"Saan ka ba tumutuloy ngayon? You look so pale and thin! Kumakain ka pa ba? Kailangan mo ba ng pera? Tell me, Sam. I can help you."






Umiling ako.






"Okay lang ako, Niks. Kina Nanay Cora ako tumutuloy ngayon. Don't tell Dad."







"Of course, I won't. Hindi ka nga niya talaga mahahanap don. Ayos ka lang ba talaga?" Paninigurado nya.








Nikki was my Bestfriend since High School. Actually, may isa pa, si Patricia, pero nasa Canada siya ngayon at alam kong makarating na din sa kanya ang balita.







"I'm fine. Don't worry, 'kay?" Hinawakan ko ang kamay nya. I know she worries a lot. "Hindi na ako magtatagal, Niks. Kalat na masyado ang pagmumukha ko dahil sa balita, kaya kailangan kong magdouble ingat."






Love Will Find WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon