LWFW 2

39 3 0
                                    

Narito ako ngayon sa tapat ng malaking green na gate. Isang travel bag lamang ang dala ko.






Huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang doorbell. Ilang minuto akong nanatiling nakatayo bago may isang may edad ng babae ang nagbukas ng gate.







"Magandang araw po. Ako po si Ynna Cortez. Pamangkin po ni Corazon Cortez." Pakilala ko.






Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa bago ngumiti.







"Ako si Linda. Halika, pumasok ka. Ipapakilala kita kay Ma'am Carla." Sabi niya.







Pumasok ako at sumunod sa kaniya.







"Mabuti at maaga ka. May lakad kasi si Ma'am Carla mamaya." Sabi nya habang naglalakad kami papasok.






Malaki ang bahay ng Zandoval. Maganda at maayos. Maging ang Garden ay natataniman ng iba't ibang uri ng halaman.






Napangiti ako ng maalala ko ang Garden sa Mansyon na natataniman ng paboritong halaman ni Mommy.








Pumasok kami sa loob ng bahay at nakita ko ang isang maputi at magandang babae na nakaupo sa sofa.






She looks so simple but elegant. Naaalala ko si Mommy sa kaniya. Actually, she looks like a poor version of my Mom. Not that she's poor. Pero sa klase kasi ng pananamit, pagsasalita at kilos ni Mommy, mahahalata mo talaga na galing siya sa makapangyarihang pamilya.








Tumitig ako sa kanya.







May kausap sya sa telepono habang katabi ang isang cute na bata na sa tingin ko ay nasa apat na taon palang. Agad bumaling sa akin ang inosente nitong mga mata. Nakakunot ang noo nya na halatang nagtataka kung sino ako.






Ngumiti ako sa kaniya.








"Ma'am Carla. Heto po si Ynna yung pamangkin ni Cora." pakilala sa akin ni Nanay Linda nang matapos sa pakikipag usap sa telepono si Ma'am Carla.







"Magandang araw po." Bati ko.







Ngumiti sa akin si Ma'am Carla.








"Mommy, who is she? My new Yaya?" Tanong ng batang lalaki.







"Do you want her to be your new Yaya?" Balik tanong naman ni Ma'am Carla.






Ilang segundo bago nagsalita ang batang lalaki.







"Yes. I like her." Nakangiting sabi nito.







Ngumiti ako sa kaniya. Mukhang makakasundo ko ang batang 'to.






"Naku! Ngayon lang may nagustuhang Yaya si Carl." Ani ni Nanay Linda.







Ngumiti si Ma'am Carla.







Tumalon si Carl mula sa sofa at patakbong lumapit sa akin. Hinila nya ang aking damit.






"Come on, Yaya. Let's go to my room. There's a lot of toy there. Come on!" Sabi niya.







"Carl, Baby. I need to talk to Yaya first. Go to your room with Manang Linda. Yaya will come, after. Okay?"






Love Will Find WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon